-
“Mabubuhay Kayo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
“Nagsimulang Magdugtong-dugtong ang mga Buto”
10. (a) Ano ang inihula tungkol sa bayan ng Diyos sa Ezekiel 37:7, 8? (b) Ano ang ilang dahilan kung bakit unti-unting bumalik ang pananampalataya ng mga Judiong may takot sa Diyos?
10 Inihula ni Jehova noon na unti-unting ibabalik, o ‘mabubuhay,’ ang bayan niya. (Ezek. 37:7-10) Ano ang ilang dahilan kung bakit unti-unting bumalik ang pananampalataya ng mga Judiong may takot sa Diyos na makakabalik sila sa Israel? Malamang na isa rito ang mga hula ng mga propetang nauna kay Ezekiel. Halimbawa, inihula ni Isaias na may ilang matitira, “isang banal na binhi,” na babalik sa lupain. (Isa. 6:13; Job 14:7-9) Siguradong nagbigay rin ng pag-asa ang maraming hula ni Ezekiel tungkol sa pagbabalik. At tiyak na lalo pang tumibay ang pag-asa ng mga ipinatapon dahil kasama nila sa Babilonya ang mga tapat, gaya ni propeta Daniel, at dahil na rin sa pagbagsak ng Babilonya noong 539 B.C.E.
-
-
“Mabubuhay Kayo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
12 Nang maglaon, nang simulan ni Charles T. Russell at ng mga kasamahan niya na ibalik ang mga katotohanan ng Bibliya, para bang nagkaroon ng “mga litid at laman” ang mga buto. Nakatulong ang Zion’s Watch Tower at ang iba pang publikasyon para malaman ng mga tapat-puso ang katotohanan. At napakilos sila nito na sumama sa pinahirang mga lingkod ng Diyos. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo, lalong napatibay ang pinahirang bayan ng Diyos dahil sa mga pantulong na gaya ng “Photo-Drama of Creation” at ng aklat na The Finished Mystery. Di-nagtagal, dumating na ang takdang panahon ng Diyos para ‘patayuin’ ang kaniyang bayan. (Ezek. 37:10) Kailan at paano ito nangyari? Masasagot natin iyan sa tulong ng mga pangyayaring naganap sa sinaunang Babilonya.
-
-
10A Unti-unting Ibinalik ang Dalisay na PagsambaIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
“Mga litid at laman”
Ibinalik ni Charles T. Russell at ng mga kasamahan niya ang mga katotohanan ng Bibliya
-