Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 9. Ano ang pagkakatulad ng sinaunang bansang Israel at ng “Israel ng Diyos”?

      9 Ang mga hula tungkol sa pagbabalik ng Israel, gaya ng mga inihula ni Ezekiel, ay may mas malaking katuparan. (Gawa 3:21) Kung paanong ang sinaunang bansang Israel ay “pinatay” at makasagisag na nanatiling patay sa loob ng mahabang panahon, ang “Israel ng Diyos”—ang pinahirang kongregasyong Kristiyano—ay makasagisag ding pinatay at nabihag sa espirituwal nang mahabang panahon. (Gal. 6:16) Napakatagal na nabihag ng pinahirang kongregasyon kaya ang espirituwalidad nila ay maikukumpara sa ‘tuyong-tuyong’ mga buto. (Ezek. 37:2) Gaya ng tinalakay sa naunang kabanata, ang pagkabihag ng pinahirang kongregasyong Kristiyano ay nagsimula noong ikalawang siglo C.E. at tumagal nang maraming siglo, gaya ng ipinahiwatig ni Jesus sa kaniyang ilustrasyon tungkol sa trigo at sa panirang-damo.—Mat. 13:24-30.

      Nakita ni Ezekiel ang kapatagang punô ng tuyong buto

      Ang ‘tuyong-tuyong’ mga buto na nakita ni Ezekiel sa pangitain ay lumalarawan sa mahabang-panahong pagkabihag sa espirituwal ng mga pinahiran ni Jehova (Tingnan ang parapo 8, 9)

  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • a Ang mga buto na nakita ni Ezekiel sa pangitain ay hindi buto ng mga namatay, kundi ng mga “pinatay.” (Ezek. 37:9) Sa makasagisag na paraan, pinatay ang “buong sambahayan ng Israel” nang magkasunod na sakupin, bihagin, at ipatapon ng mga Asiryano at Babilonyo ang 10-tribong kaharian ng Israel at ang 2-tribong kaharian ng Juda.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share