Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 12 Nang maglaon, nang simulan ni Charles T. Russell at ng mga kasamahan niya na ibalik ang mga katotohanan ng Bibliya, para bang nagkaroon ng “mga litid at laman” ang mga buto. Nakatulong ang Zion’s Watch Tower at ang iba pang publikasyon para malaman ng mga tapat-puso ang katotohanan. At napakilos sila nito na sumama sa pinahirang mga lingkod ng Diyos. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo, lalong napatibay ang pinahirang bayan ng Diyos dahil sa mga pantulong na gaya ng “Photo-Drama of Creation” at ng aklat na The Finished Mystery. Di-nagtagal, dumating na ang takdang panahon ng Diyos para ‘patayuin’ ang kaniyang bayan. (Ezek. 37:10) Kailan at paano ito nangyari? Masasagot natin iyan sa tulong ng mga pangyayaring naganap sa sinaunang Babilonya.

      “Nabuhay Sila at Tumayo”

      13. (a) Paano nagsimulang matupad ang Ezekiel 37:10, 14 noong 537 B.C.E.? (b) Anong mga teksto ang nagpapakita na bumalik sa Israel ang ilang kabilang sa 10-tribong kaharian?

      13 Noong 537 B.C.E., nagsimula nang matupad ang pangitain sa mga Judiong nasa Babilonya. Paano? Binuhay sila ni Jehova at ‘itinayo’ nang palayain niya sila at ibalik sa Israel. Umalis sa Babilonya ang 42,360 Israelita at mga 7,000 di-Israelita para muling itayo ang Jerusalem at ang templo nito at para tumira sa lupain ng Israel. (Ezra 1:1-4; 2:64, 65; Ezek. 37:14) Pagkaraan ng mga 70 taon, mga 1,750 tapon ang sumama kay Ezra pabalik sa Jerusalem. (Ezra 8:1-20) Sa kabuoan, mahigit 44,000 Judio ang bumalik—isa ngang “napakalaking hukbo.” (Ezek. 37:10) Isa pa, ipinapakita ng Salita ng Diyos na bumalik din sa Israel at tumulong sa muling pagtatayo ng templo ang mga kabilang sa 10-tribong kaharian, ang mga inapo ng mga ipinatapon ng Asirya noong ikawalong siglo B.C.E.—1 Cro. 9:3; Ezra 6:17; Jer. 33:7; Ezek. 36:10.

      Ang mga pinahiran noong 1919

      KAHON 10B: “Tuyong mga Buto” at Dalawang Saksi—Ano ang Kaugnayan Nila?

      14. (a) Paano makakatulong sa atin ang Ezekiel 37:24 para malaman kung kailan naganap ang pangunahing katuparan ng hula? (b) Ano ang nangyari noong 1919? (Tingnan din ang kahong “‘Tuyong mga Buto’ at Dalawang Saksi—Ano ang Kaugnayan Nila?”)

      14 Paano nagkaroon ng mas malaking katuparan ang bahaging ito ng hula ni Ezekiel? Gaya ng isiniwalat ni Jehova kay Ezekiel sa isang kaugnay na hula, ang pangunahing katuparan ng hulang ito ay magaganap ilang panahon matapos magsimulang maghari ang Lalong Dakilang David, si Jesu-Kristo.b (Ezek. 37:24) Noong 1919, inilagay ni Jehova ang espiritu niya sa kaniyang bayan. Bilang resulta, ‘nabuhay’ sila at napalaya mula sa Babilonyang Dakila. (Isa. 66:8) Pagkatapos, pinatira sila ni Jehova sa kanilang “lupain,” o sa espirituwal na paraiso. Pero paano naging isang “napakalaking hukbo” ang bayan ni Jehova ngayon?

      Pagbubulay-bulay sa pag-asa na nasa Bibliya

      KAHON 10C: Tulong Para Muling Makatayo

      15, 16. (a) Bakit masasabing “isang napakalaking hukbo” ang bayan ni Jehova ngayon? (b) Paano makakatulong ang hulang ito ni Ezekiel para makayanan natin ang mga pagsubok sa buhay? (Tingnan ang kahong “Tulong Para Muling Makatayo.”)

      15 Di-nagtagal matapos atasan ni Kristo ang tapat na alipin noong 1919, nakita ng mga lingkod ng Diyos na natutupad ang hula ni Zacarias, isang propetang kasama ng mga bumalik na tapon. Sinabi ni Zacarias: “Maraming bayan at makapangyarihang bansa ang pupunta . . . para hanapin si Jehova.” Inilarawan niya ang mga maghahanap kay Jehova bilang “10 lalaki mula sa lahat ng wika ng mga bansa.” Ang mga lalaking ito ay hahawak nang mahigpit sa “isang Judio,” ang espirituwal na Israel, habang sinasabi: “Gusto naming sumama sa inyo, dahil nabalitaan naming ang Diyos ay sumasainyo.”—Zac. 8:20-23.

      16 Sa ngayon, ang espirituwal na Israel (ang natitirang mga pinahiran), kasama ang “10 lalaki” (ang ibang mga tupa), ay matutukoy na “isang napakalaking hukbo,” na umaabot na nang milyon-milyon. (Ezek. 37:10) Bilang mga sundalo ni Kristo sa lumalaking hukbong ito, maingat nating sinusundan ang ating Hari, si Jesus, na umaakay sa atin sa mga pagpapala sa hinaharap.—Awit 37:29; Ezek. 37:24; Fil. 2:25; 1 Tes. 4:16, 17.

  • 10A Unti-unting Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
      • Sina Brother Knorr, Brother Rutherford, at Brother Covington

        “Nabuhay sila at tumayo”

        Nang “mabuhay” ang bayan ni Jehova noong 1919, naging puspusan sila sa pangangaral

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share