Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Marso
    • Una, pansinin na ang mga buto ay inilarawan na “natuyo” o “tuyung-tuyo.” (Ezek. 37:2, 11) Ipinahihiwatig nito na matagal nang patay ang mga may-ari nito. Ikalawa, ang pagsasauli ay inilarawan na unti-unting nagaganap, hindi biglaan. Sa umpisa, may kumakalampag na ingay, at “ang mga buto ay nagsimulang magkalapit, buto sa kaniyang kapuwa buto.” Pagkatapos, ang mga ito ay nagkaroon ng “mga litid at ng laman.” Sumunod, ang mga buto, litid, at laman ay natakpan ng balat. Nang maglaon, “ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila ay nagsimulang mabuhay.” Bilang panghuli, inilagay ni Jehova ang binuhay-muling bayan sa kanilang lupain. Lahat ng ito ay mangangailangan ng mahabang panahon.—Ezek. 37:7-10, 14.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Marso
    • Pagkatapos, noong mga 1870, sinikap ni Charles Taze Russell at ng mga kasamahan niya na isauli ang mga katotohanan sa Bibliya. Para bang nagsimulang magkalaman at magkabalat ang espirituwal na mga kalansay. Ang Zion’s Watch Tower at iba pang publikasyon ay tumulong sa mga tapat-puso na malaman ang espirituwal na mga katotohanan. Nakatulong din ang mga kasangkapang gaya ng “Photo-Drama of Creation” noong 1914 at aklat na The Finished Mystery noong 1917 para mapatibay ang bayan ng Diyos. At sa wakas, noong 1919, binigyang-buhay ang bayan ng Diyos sa espirituwal na diwa at inilagay sila sa kanilang bagong espirituwal na lupain. Mula noon, ang nalabi ng mga pinahiran ay sinamahan ng mga may makalupang pag-asa, at magkasama silang naging “isang lubhang napakalaking hukbong militar.”—Ezek. 37:10; Zac. 8:20-23.b

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share