Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • “Natuyo ang Aming mga Buto, at Nawala ang Aming Pag-asa”

      6. Ano ang sinabi ni Jehova para maunawaan ni Ezekiel ang pangitain?

      6 Pagkatapos, tinulungan ni Jehova si Ezekiel na maunawaan ang pangitain. Sinabi Niya: “Ang mga butong ito ay ang buong sambahayan ng Israel.” Nang malaman ng mga ipinatapon na nawasak na ang Jerusalem, pakiramdam nila, para na rin silang patay. Kaya malungkot nilang sinabi: “Natuyo ang aming mga buto, at nawala ang aming pag-asa. Lubusan kaming inihiwalay sa iba.” (Ezek. 37:11; Jer. 34:20) Bilang sagot, isiniwalat ni Jehova na ang malungkot na pangitaing ito tungkol sa mga buto ay may napakagandang mensahe ng pag-asa para sa Israel.

  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 8. (a) Bakit masasabing ang “buong sambahayan ng Israel” ay patay? (b) Ano ang ipinapakita ng Ezekiel 37:9 tungkol sa makasagisag na pagkamatay ng Israel? (Tingnan ang talababa.)

      8 Paano natupad sa bansang Israel noon ang malungkot na bahaging ito ng hula? Ang makasagisag na paghihingalo ng Israel ay nagsimula noong 740 B.C.E. nang bumagsak at ipatapon ang 10-tribong kaharian. Pagkalipas ng mga 130 taon, nang ipatapon din ang bayan ng Juda, ang “buong sambahayan ng Israel” ay naging bihag. (Ezek. 37:11) Sa makasagisag na paraan, ang lahat ng ipinatapon ay patay, gaya ng mga buto sa pangitain ni Ezekiel.a Tandaan din na ang nakita ni Ezekiel ay hindi lang basta mga buto kundi ‘tuyong-tuyong’ mga buto, na nagpapakitang mahabang panahon silang nanatiling patay. Kapag pinagsama ang tagal ng pagkabihag ng Israel at ng Juda, aabot iyon nang mahigit 200 taon, mula 740 hanggang 537 B.C.E.—Jer. 50:33.

  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • a Ang mga buto na nakita ni Ezekiel sa pangitain ay hindi buto ng mga namatay, kundi ng mga “pinatay.” (Ezek. 37:9) Sa makasagisag na paraan, pinatay ang “buong sambahayan ng Israel” nang magkasunod na sakupin, bihagin, at ipatapon ng mga Asiryano at Babilonyo ang 10-tribong kaharian ng Israel at ang 2-tribong kaharian ng Juda.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share