-
“Gagawin Ko Silang Iisang Bansa”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
3. (a) Saan lumalarawan ang patpat “para kay Juda”? (b) Bakit masasabing ang “patpat ni Efraim” ay kumakatawan sa 10-tribong kaharian?
3 Inutusan ni Jehova si Ezekiel na kumuha ng dalawang patpat at isulat sa isa, “para kay Juda,” at sa isa pa, “para kay Jose, ang patpat ni Efraim.” (Basahin ang Ezekiel 37:15, 16.) Saan lumalarawan ang dalawang patpat? Ang patpat “para kay Juda” ay kumakatawan sa dalawang-tribong kaharian ng Juda at Benjamin. Ang mga hari sa angkan ni Juda ang namahala sa dalawang tribo; iniugnay rin sa kanila ang pagkasaserdote, dahil ang mga saserdote ay naglingkod sa templo sa Jerusalem. (2 Cro. 11:13, 14; 34:30) Kaya kabilang sa kaharian ng Juda ang mga hari sa linya ni David at ang mga saserdoteng Levita. Ang “patpat ni Efraim” naman ay kumakatawan sa 10-tribong kaharian ng Israel. Bakit natin nasabi iyan? Ang unang hari sa 10-tribong kaharian ay si Jeroboam, na mula sa tribo ni Efraim. Nang maglaon, ang Efraim ang naging pangunahing tribo sa Israel. (Deut. 33:17; 1 Hari 11:26) Pansinin na hindi kabilang sa 10-tribong kaharian ng Israel ang mga hari sa linya ni David o ang mga saserdoteng Levita.
-
-
12A Ang Pagdidikit sa Dalawang PatpatIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
KAHON 12A
Ang Pagdidikit sa Dalawang Patpat
Inutusan ni Jehova si Ezekiel na isulat sa isang patpat, “para kay Juda,” at sa isa pa, “para kay Jose, ang patpat ni Efraim.”
“para kay Juda”
NOON
2-tribong kaharian ng Juda
NGAYON
Mga pinahiran
“para kay Jose, ang patpat ni Efraim”
NOON
10-tribong kaharian ng Israel
NGAYON
Ibang mga tupa
-