Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Gagawin Ko Silang Iisang Bansa”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 4. Saan lumalarawan ang sumunod na ginawa ni Ezekiel sa dalawang patpat? (Tingnan ang larawan sa simula ng kabanata.)

      4 Iniutos din kay Ezekiel na pagdikitin ang dalawang patpat “para maging isang patpat.” Alalang-alala ang mga tapon habang pinapanood si Ezekiel. Tinanong nila siya: “Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga ito?” Sinabi niya na ang isinadula niya ay lumalarawan sa gagawin ni Jehova. Tungkol sa dalawang patpat, sinabi ni Jehova: “Gagawin ko silang iisang patpat, at magiging iisa na lang sila sa aking kamay.”​—Ezek. 37:17-19.

      5. Ano ang ibig sabihin ng isinadula ni Ezekiel? (Tingnan din ang kahong “Ang Pagdidikit sa Dalawang Patpat.”)

      5 Pagkatapos, ipinaliwanag ni Jehova ang ibig sabihin ng pagdidikit sa dalawang patpat. (Basahin ang Ezekiel 37:21, 22.) Ang mga tapon mula sa 2-tribong kaharian ng Juda at ang mga tapon mula sa 10-tribong kaharian ng Israel (Efraim) ay dadalhin sa lupain ng Israel, kung saan sila magiging “iisang bansa.”​—Jer. 30:1-3; 31:2-9; 33:7.

  • 12A Ang Pagdidikit sa Dalawang Patpat
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • Pinagdikit ang dalawang patpat sa hula ni Ezekiel para maging isa

      ‘ang mga iyon ay magiging isang patpat sa iyong kamay’

      NOON

      537 B.C.E. Ang tunay na mga mananamba ay babalik mula sa mga bansa, itatayo nilang muli ang Jerusalem, at sasamba sila bilang isang bansa.

      NGAYON

      Mula 1919, muling naorganisa ang bayan ng Diyos at nagkaisa ito para maglingkod bilang “iisang kawan.”

      Tungkol ito sa pagkakaisa

      Ang hula ay hindi tungkol sa isang patpat na binali at pagkatapos ay pinagdikit. Sa halip, tungkol ito sa dalawang patpat na pinagdikit, o pinagkaisa. Kaya ang pokus ng hula ay hindi kung paano nahati sa dalawang kaharian ang bansang Israel. Sa halip, ang pokus nito ay kung paano magiging isa ang dalawang kaharian.

      Bumalik sa kabanata 12, parapo 3-6, 13, 14

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share