Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Gagawin Ko Silang Iisang Bansa”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 5. Ano ang ibig sabihin ng isinadula ni Ezekiel? (Tingnan din ang kahong “Ang Pagdidikit sa Dalawang Patpat.”)

      5 Pagkatapos, ipinaliwanag ni Jehova ang ibig sabihin ng pagdidikit sa dalawang patpat. (Basahin ang Ezekiel 37:21, 22.) Ang mga tapon mula sa 2-tribong kaharian ng Juda at ang mga tapon mula sa 10-tribong kaharian ng Israel (Efraim) ay dadalhin sa lupain ng Israel, kung saan sila magiging “iisang bansa.”​—Jer. 30:1-3; 31:2-9; 33:7.

  • “Gagawin Ko Silang Iisang Bansa”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 7. Paano pinatutunayan ng ulat sa 1 Cronica 9:2, 3 na “sa Diyos ay posible ang lahat ng bagay”?

      7 Sa pananaw ng tao, parang imposibleng palayain at pagkaisahin ang mga ipinatapon.a Pero “sa Diyos ay posible ang lahat ng bagay.” (Mat. 19:26) Tinupad ni Jehova ang hula niya. Nakalaya ang mga bihag sa Babilonya noong 537 B.C.E. Pagkatapos, ang mga kabilang sa dalawang kaharian ay dumating sa Jerusalem para tumulong sa pagbabalik ng tunay na pagsamba. Pinatutunayan ito ng ulat: “Ang ilan sa mga inapo ni Juda, ni Benjamin, ni Efraim, at ni Manases ay tumira sa Jerusalem.” (1 Cro. 9:2, 3; Ezra 6:17) Gaya ng inihula ni Jehova, pinagdikit, o pinagkaisa, ang 10-tribong kaharian ng Israel at ang 2-tribong kaharian ng Juda.

      8. (a) Ano ang inihula ni Isaias? (b) Ano ang dalawang mahalagang punto na makikita sa Ezekiel 37:21?

      8 Mga 200 taon bago nito, inihula ni propeta Isaias kung ano ang mangyayari sa Israel at Juda pagkalaya nila. Inihula niya na titipunin ni Jehova ang “mga nangalat mula sa Israel” at ang “mga nangalat na taga-Juda” na “mula sa apat na sulok ng mundo,” pati na ang mga mula sa “Asirya.” (Isa. 11:12, 13, 16) At gaya nga ng inihula ni Jehova, kinuha niya ang “mga Israelita mula sa mga bansa.” (Ezek. 37:21) Pansinin ang dalawang mahalagang punto: Sa pagkakataong ito, hindi na tinawag ni Jehova na “Juda” at “Efraim” ang mga tapon, kundi “mga Israelita”—isang grupo. Bukod diyan, hindi sinabi na ang mga Israelita ay magmumula sa isang bansa, ang Babilonya, kundi sa iba’t ibang bansa—“mula sa lahat ng direksiyon.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share