-
“Ito ang Kautusan sa Templo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
Mga Aral Mula sa Pangitain ni Ezekiel—Ngayon
13, 14. (a) Paano natin nalaman na may katuparan sa ngayon ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa templo? (b) Sa anong dalawang paraan tayo nakikinabang sa pangitain? (Tingnan din ang kahon 13A, “Magkaibang Templo, Magkaibang Aral.”)
13 Talaga bang may katuparan din sa ngayon ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa templo? Oo! Tandaan na may pagkakatulad ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa sagradong bahay ng Diyos na nasa “isang napakataas na bundok” at ang hula ni Isaias na “ang bundok ng bahay ni Jehova ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok.” Sinabi ni Isaias na matutupad ang hula niya “sa huling bahagi ng mga araw,” o “sa mga huling araw.” (Ezek. 40:2; Isa. 2:2-4; tlb.; tingnan din ang Mikas 4:1-4.) Sa mga huling araw, nagsimulang matupad ang mga hulang ito mula 1919 nang ang dalisay na pagsamba ay ibinalik, na para bang itinaas sa isang napakataas na bundok.b
14 Walang alinlangang may katuparan din sa ngayon ang pangitain ni Ezekiel. Gaya ng ipinatapong mga Judio noon, nakikinabang din tayo rito sa dalawang paraan. (1) Itinuturo nito kung paano itataguyod ang pamantayan ni Jehova sa dalisay na pagsamba. (2) Tinitiyak nito na ibabalik ang dalisay na pagsamba at na pagpapalain tayo ni Jehova.
-
-
14A Mga Aral Mula sa Templong Nakita ni Ezekiel sa PangitainIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
Itinaas at Iningatan ang Dalisay na Pagsamba
Ang templo sa pangitain ay itinaas sa “isang napakataas na bundok” (1). Itinaas na ba natin, o ginawang priyoridad, ang dalisay na pagsamba sa ating buhay?
-