Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tinutulungan Tayo ni Jehova na Magawa ang Ministeryo Natin
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Nobyembre
    • 4. Ano ang mga sinabi ni Jehova na nagpatibay kay Ezekiel?

      4 Ano ang magiging tugon ng mga Israelita sa pangangaral ni Ezekiel? Sinabi ni Jehova: “Hindi makikinig sa iyo ang sambahayan ng Israel, dahil ayaw nilang makinig sa akin.” (Ezek. 3:7) Hindi lang si Ezekiel ang tinanggihan ng mga tao, kundi tinanggihan din nila si Jehova. Tiyak na napatibay si Ezekiel sa sinabing ito ni Jehova kasi nangangahulugan ito na hindi siya nabigo bilang propeta. Tiniyak din ni Jehova kay Ezekiel na kapag nangyari na ang mga hatol niya sa mga tao, “malalaman nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.” (Ezek. 2:5; 33:33) Siguradong napatibay si Ezekiel at napalakas siya para magawa ang ministeryo niya.

  • Tinutulungan Tayo ni Jehova na Magawa ang Ministeryo Natin
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Nobyembre
    • 8-9. (a) Ano ang ibinigay ni Jehova kay Ezekiel para magawa ang utos niya? (b) Paano pa pinalakas ni Jehova si Ezekiel para magawa ang mahirap na atas niya?

      8 Iniutos ni Jehova kay Ezekiel: “Anak ng tao, tumayo ka at may sasabihin ako sa iyo.” Dahil sa utos na iyan at sa espiritu ng Diyos, napalakas si Ezekiel na tumayo. Isinulat ni Ezekiel: “Sumaakin ang espiritu at itinayo ako nito.” (Ezek. 2:1, 2) Sa buong panahon ng ministeryo ni Ezekiel, ginabayan siya ng “kapangyarihan” ng Diyos—ang banal na espiritu ng Diyos. (Ezek. 3:22; 8:1; 33:22; 37:1; 40:1) Pinalakas si Ezekiel ng espiritu ng Diyos para magawa ang atas niya—ang pangangaral sa mga taong “matitigas ang ulo at puso.” (Ezek. 3:7) Sinabi ni Jehova kay Ezekiel: “Ginawa kong sintigas ng mukha nila ang iyong mukha at sintigas ng noo nila ang iyong noo. Ginawa kong gaya ng diamante ang iyong noo, mas matigas pa kaysa sa bato. Huwag kang matakot sa kanila o sa mga tingin nila.” (Ezek. 3:8, 9) Para bang sinasabi ni Jehova kay Ezekiel: ‘Huwag kang panghinaan ng loob dahil sa katigasan ng ulo ng mga tao. Papalakasin kita.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share