-
“Ang Ipapangalan sa Lunsod ay Naroon si Jehova”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
4. Ano ang matututuhan natin sa ulat tungkol sa abuloy para kay Jehova?
4 Ano ang matututuhan natin sa ulat na ito tungkol sa abuloy para kay Jehova? Unang ibinukod ang lupain para sa espesyal na abuloy; pagkatapos, ibinukod ang lupain para sa mga tribo. Ipinakita rito ni Jehova na dapat ituring na pinakamahalaga ang lupaing iaabuloy sa kaniya. (Ezek. 45:1) Tiyak na maraming natutuhan dito ang mga tapon. Dapat na maging pangunahin sa buhay nila ang pagsamba kay Jehova. Sa ngayon, pangunahin din sa atin ang espirituwal na mga gawain, gaya ng pag-aaral ng Salita ng Diyos, pagdalo sa mga pulong, at pangangaral. Kung tutularan natin si Jehova sa pagtatakda ng tamang priyoridad, magiging pangunahin sa ating buhay ang pagsamba sa kaniya.
-
-
21A “Ang Abuloy na Ibibigay Ninyo”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
D. Ang “Banal na Abuloy”
Inilalarawan din ito bilang isang “banal na bahagi.” Ang itaas na seksiyon ay “para sa mga Levita.” Iyon ay “banal.” Ang gitnang seksiyon ay “banal na abuloy para sa mga saserdote.” Doon nila “itatayo ang mga bahay nila, at iyon ay magiging isang sagradong lugar para sa santuwaryo,” o templo.
-