Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 19B Ang Kaunting Tubig ay Naging Malalim na Ilog!
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • “Ang Lahat ay Mabubuhay Kung Saan Umaagos ang Ilog”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 11 Noong 1919, ilang libo lang ang mga lingkod ni Jehova, at tumanggap sila ng espirituwal na pagkaing kailangan nila. Sa paglipas ng mga dekada, dumami sila nang dumami. Mahigit walong milyon na ang mga lingkod ng Diyos sa ngayon. Dumami rin ba ang suplay ng dalisay na tubig ng katotohanan? Oo! Nag-uumapaw ang suplay natin. Bilyon-bilyong Bibliya, aklat, magasin, brosyur, at tract ang dumaloy sa bayan ng Diyos nitong nakalipas na siglo. Gaya ng ilog sa pangitain ni Ezekiel, ang pagdaloy ng dalisay na katotohanan ay mabilis ding lumaki para masapatan ang espirituwal na pagkauhaw ng mga tao sa buong mundo. Matagal nang available ang nakaimprentang salig-Bibliyang mga publikasyon. At ngayon, makukuha na rin ang mga publikasyon sa electronic format sa website na jw.org sa mahigit 900 wika! Ano ang epekto ng tubig na ito sa mga matuwid ang puso?

  • “Ang Lahat ay Mabubuhay Kung Saan Umaagos ang Ilog”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 17 Ilog ng pagpapala. Ang ilog na ito ay masasabing lalo pang lálaki sa Paraiso, dahil ang ibibigay nitong mga pagpapala ay hindi lang espirituwal kundi pisikal din. Sa Sanlibong Taóng Paghahari ni Jesus, tutulungan ng Kaharian ng Diyos ang mga tapat para higit silang makinabang sa pantubos. Unti-unti silang magiging perpekto! Wala nang mga sakit, at hindi na kailangan ng doktor, nars, ospital, at health insurance! Ang tubig ng buhay ay dadaloy sa milyon-milyong makaliligtas sa Armagedon—ang “isang malaking pulutong” na makaliligtas sa “malaking kapighatian.” (Apoc. 7:9, 14) Pero ang kahanga-hangang mga pagpapalang ito ay parang kaunting tubig lang kung ikukumpara sa darating pang mga pagpapala. Gaya ng ipinakita sa pangitain ni Ezekiel, lálaki ang ilog para masapatan ang lumalaking pangangailangan.

      Mga tao sa Paraiso; may ilog na umaagos doon

      Sa Paraiso, ang lahat ay babata at magiging malusog dahil sa ilog ng pagpapala (Tingnan ang parapo 17)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share