Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Lahat ay Mabubuhay Kung Saan Umaagos ang Ilog”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 2 Nalaman ni Ezekiel na ang ilog ay dumadaloy papunta sa Dagat na Patay, at ginagawa nitong sariwa ang maalat at walang-buhay na tubig ng dagat kung kaya nagkaroon iyon ng maraming isda. Nakakita rin siya ng iba’t ibang klase ng puno sa pampang. Buwan-buwan, namumunga ang mga ito ng masusustansiyang prutas, at ang dahon ng mga ito ay pampagaling. Nang makita ni Ezekiel ang mga ito, siguradong napanatag siya at napuno ng pag-asa. Pero ano ang kahulugan ng bahaging ito ng pangitain para sa kaniya at sa mga kasama niyang tapon? At ano ang matututuhan natin dito?

  • “Ang Lahat ay Mabubuhay Kung Saan Umaagos ang Ilog”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 6. (a) Ano ang tinitiyak ng hula? (b) Anong babala ang kasama sa pangitain? (Tingnan din ang talababa.)

      6 Tubig na nagbibigay-buhay. Sa pangitain ni Ezekiel, umagos ang ilog papunta sa Dagat na Patay at naging sariwa ang malaking bahagi ng dagat. Pansinin na dahil dito, nagkaroon ng maraming isda—iba’t ibang klase ng isda na gaya ng makikita sa Malaking Dagat, o Dagat Mediteraneo. Nagkaroon pa nga ng maunlad na pangisdaan sa baybayin ng Dagat na Patay; ang pangisdaang ito ay nasa gitna ng dalawang bayan na lumilitaw na malayo-layo ang distansiya sa isa’t isa. Sinabi ng anghel: “Ang lahat ay mabubuhay kung saan umaagos ang ilog.” Pero umagos ba sa bawat bahagi ng Dagat na Patay ang tubig na mula sa bahay ni Jehova? Hindi. Sinabi ng anghel na ang ilang maputik na bahagi nito ay hindi dadaluyan ng tubig na nagbibigay-buhay. “Mananatiling maalat” ang mga lugar na iyon.b (Ezek. 47:8-11) Kaya tinitiyak ng hula na ang dalisay na pagsamba ay magbibigay-buhay sa mga tao. Pero may kasama rin itong babala: Hindi tatanggapin ng lahat ang mga pagpapala ni Jehova; hindi lahat ay mabibigyang-buhay.

    • a Malamang na alam din ng mga Judiong tapon na pamilyar sa lupain nila na hindi literal ang ilog na ito dahil umaagos ang tubig nito mula sa templo na nasa napakataas na bundok. Walang makikitang ganitong bundok sa lokasyong binanggit. Ipinapahiwatig din ng pangitain na direkta at tuloy-tuloy ang pag-agos ng ilog papunta sa Dagat na Patay, na imposibleng mangyari sa lugar na iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share