Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pagpapala ni Jehova sa Ating “Lupain”
    Ang Bantayan—1999 | Marso 1
    • 13. Anong pagpapagaling ang naisasagawa sa ating panahon?

      13 Ang ilog sa pangitain ay umaagos hanggang sa walang-buhay na Dagat na Patay at nagpapagaling sa lahat ng abutan nito. Ang dagat na ito ay lumalarawan sa isang kapaligirang patay sa espirituwal. Ngunit ang buhay ay nagkukulumpol “saanmang dakong pinaparoonan ng agos na doble ang laki.” (Ezekiel 47:9) Kahawig nito, sa mga huling araw, saanmang dako nakararating ang tubig ng buhay, ang mga tao ay nabubuhay sa espirituwal na paraan. Ang unang mga binuhay nang ganito ay ang pinahirang nalabi noon pang 1919. Sila’y muling binuhay sa espirituwal mula sa isang tulad-patay at di-aktibong kalagayan. (Ezekiel 37:1-​14; Apocalipsis 11:3, 7-​12) Simula noon, ang mahalagang tubig na iyon ay nakaabot na rin sa iba pang mga patay sa espirituwal, at nabuhay ang mga ito at bumuo ng isang patuloy na lumalagong malaking pulutong ng mga ibang tupa, na umiibig at naglilingkod kay Jehova. Hindi na magtatagal, ang paglalaang ito ay ipaaabot din sa napakaraming mga bubuhaying-muli.

  • Ang Pagpapala ni Jehova sa Ating “Lupain”
    Ang Bantayan—1999 | Marso 1
    • 18 Sa panahon ng Milenyo, ang lahat ng karamdaman​—sa pisikal, mental, at emosyonal​—ay pagagalingin. Ito’y mainam na inilalarawan ng “pagpapagaling sa mga bansa” sa pamamagitan ng makasagisag na mga punungkahoy. Dahil sa mga paglalaang ipinagkaloob ni Kristo at ng 144,000, “walang mamamayan ang magsasabing: ‘Ako’y maysakit.’ ” (Isaias 33:24) At sasapit ang ilog sa panahon ng sukdulang paglawak nito. Ito’y tiyak na lalawak at lalalim pa upang mapaglaanan ang milyun-milyon, marahil ay bilyun-bilyon, na mga taong bubuhaying-muli na iinom mula sa mga dalisay na tubig na ito ng buhay. Sa pangitain, pinagaling ng ilog ang Dagat na Patay, anupat nagdulot ng buhay saanman umagos ang mga tubig nito. Sa Paraiso, ang mga lalaki at babae ay magkakaroon ng buhay sa lubusang diwa nito, yamang sila’y pagagalingin mula sa minanang Adanikong kamatayan kung sila’y magsasagawa ng pananampalataya sa mga kapakinabangang ipinaaabot sa kanila ng pantubos. Inihuhula ng Apocalipsis 20:12 na may “mga balumbon” na bubuksan sa mga araw na iyon, na maglalaan ng dagdag na liwanag sa kaunawaan na pakikinabangan din ng mga muling bubuhayin. Nakalulungkot sabihin, tatanggihan ng iba ang pagpapagaling, kahit na sa Paraiso. Ang mga rebeldeng ito ang siyang mga ‘ibinigay sa asin’ ng walang-hanggang pagkapuksa.​—Apocalipsis 20:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share