Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Lahat ay Mabubuhay Kung Saan Umaagos ang Ilog”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 7. Ang mga puno sa pampang ay nagbigay sa mga Judiong tapon ng anong katiyakan?

      7 Mga puno na naglalaan ng pagkain at pampagaling. Bakit may mga puno sa pampang? Napaganda nito ang paligid, hindi ba? Pero may ibig sabihin din ito. Tiyak na naisip ni Ezekiel at ng mga kababayan niya ang masasarap na prutas na ilalaan ng mga punong iyon buwan-buwan! Tiniyak ng paglalarawang iyan na pakakainin sila ni Jehova sa espirituwal. Pero hindi lang iyan. Ang mga dahon ng mga ito ay “pampagaling.” (Ezek. 47:12) Alam ni Jehova na talagang kailangang pagalingin sa espirituwal ang nagsibalik na mga tapon, at nangako siyang gagawin niya iyan. Ipinakita sa iba pang hula tungkol sa pagbabalik kung paano niya iyan ginawa, gaya ng tinalakay sa Kabanata 9.

  • 19B Ang Kaunting Tubig ay Naging Malalim na Ilog!
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • Mga Puno na Naglalaan ng Pagkain at Pampagaling

      NOON: Pinakain ni Jehova sa espirituwal ang tapat na bayan niya sa kanilang ibinalik na lupain; pinagaling niya rin sila mula sa kanilang matagal na espirituwal na pagkakasakit

      NGAYON: Ang saganang suplay ng espirituwal na pagkain ay tumutulong sa mga tao para hindi sila magkasakit o magutom sa espirituwal

      SA HINAHARAP: Tutulungan ni Kristo at ng 144,000 kasama niyang tagapamahala ang lahat ng masunuring tao na maging perpekto at manatiling malusog at malakas magpakailanman!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share