Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Hati-hatiin Ninyo ang Lupain Bilang Mana’
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • ‘Ang Lupaing Ito ay Ibinibigay sa Inyo Bilang Mana’

      5, 6. (a) Sa pangitain ni Ezekiel, anong teritoryo ang hahati-hatiin? (Tingnan ang larawan sa simula ng kabanata.) (b) Bakit ibinigay ang pangitaing ito?

      5 Basahin ang Ezekiel 47:14. Sa pangitain, itinuon ni Jehova ang pansin ni Ezekiel sa isang bahagi ng lupain na malapit nang maging “gaya ng hardin ng Eden.” (Ezek. 36:35) Pagkatapos, sinabi ni Jehova: “Ito ang teritoryong hahati-hatiin ninyo sa 12 tribo ng Israel bilang mana.” (Ezek. 47:13) Ang “teritoryong hahati-hatiin” ay ang lupain ng Israel na babalikan ng mga tapon. At gaya ng nakaulat sa Ezekiel 47:15-21, espesipikong sinabi ni Jehova ang magiging hangganan ng buong lupain.

      6 Bakit ibinigay ang pangitaing ito? Ang eksaktong mga hangganan sa pangitain ay tumitiyak kay Ezekiel at sa mga kasama niyang tapon na talagang ibabalik ang kanilang minamahal na lupain. Siguradong napatibay ang mga tapon sa detalyadong garantiya na ito mula kay Jehova! Talaga bang natanggap ng bayan ng Diyos noon ang lupaing hinati-hati para sa kanila? Oo.

      Isang bahagi ng lupain na nakita ni Ezekiel sa pangitain

      7. (a) Ano ang nangyari noong 537 B.C.E., at ano ang ipinapaalaala nito sa atin? (b) Anong tanong ang dapat muna nating sagutin?

      7 Noong 537 B.C.E., mga 56 na taon matapos makita ni Ezekiel ang pangitain, libo-libong tapon ang nagsimulang bumalik sa lupain ng Israel at binigyan sila ng bahagi sa lupaing ito. Ipinapaalaala sa atin ng kamangha-manghang pangyayaring iyon ang nangyayari ngayon sa bayan ng Diyos. Masasabing sila rin ay nagmana ng lupain. Sa anong paraan? Hinayaan ni Jehova na makapasok ang mga lingkod niya sa isang espirituwal na lupain at magkaroon ng bahagi rito. Kaya ang pagbabalik ng Lupang Pangako noon ay maraming ituturo sa atin tungkol sa pagbabalik ng espirituwal na lupain ng bayan ng Diyos ngayon. Pero bago natin talakayin ang mga aral na iyan, sagutin muna natin ang tanong na “Bakit natin masasabi na talagang may espirituwal na lupain sa ngayon?”

      8. (a) Ano ang ipinalit ni Jehova sa bansang Israel? (b) Ano ang espirituwal na lupain, o paraiso? (c) Kailan ito nagsimula, at sino na ang mga naninirahan dito?

      8 Sa isang naunang pangitain ni Ezekiel, ipinahiwatig ni Jehova na ang mga hula tungkol sa pagbabalik ng Israel ay magkakaroon ng mas malaking katuparan kapag naghari na ang “lingkod [niyang] si David,” si Jesu-Kristo. (Ezek. 37:24) Nangyari iyan noong 1914 C.E. Nang panahong iyon, matagal nang pinalitan ng Diyos ang bansang Israel ng espirituwal na Israel, na binubuo ng pinahirang mga Kristiyano. (Basahin ang Mateo 21:43; 1 Pedro 2:9.) Bukod diyan, pinalitan din ni Jehova ang lupain—ang literal na lupain ng Israel ay pinalitan ng espirituwal na lupain, o paraiso. (Isa. 66:8) Gaya ng tinalakay sa Kabanata 17, ang espirituwal na lupain ay ang panatag na espirituwal na kalagayan ng mga sumasamba kay Jehova, na nararanasan ng natitirang mga pinahiran mula pa noong 1919. (Tingnan ang kahon 9B, “Bakit 1919?”) Sa paglipas ng panahon, nanirahan din sa espirituwal na lupain ang mga may makalupang pag-asa, ang “ibang mga tupa.” (Juan 10:16) Patuloy na lumalago sa ngayon ang espirituwal na paraisong ito, pero mararanasan lang natin ang lahat ng pagpapala nito pagkatapos ng Armagedon.

  • ‘Hati-hatiin Ninyo ang Lupain Bilang Mana’
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 13 Una, ang lupain. Inutusan si Moises na bigyan ng mas malaking lupain ang malalaking tribo. (Bil. 26:52-54) Pero sa pangitain ni Ezekiel, espesipikong sinabi ni Jehova na ang lupaing mamanahin ng bawat tribo ay dapat na “magkakapareho ng sukat [“ang bawat isa gaya ng sa kapatid niya,” tlb.].” (Ezek. 47:14) Kaya kung susukatin ang laki ng bawat mana mula sa hilagang hangganan nito hanggang sa timog, magkakapantay ang lahat ng ito. Ang lahat ng Israelita—anuman ang tribo nila—ay pantay-pantay na makikinabang sa kasaganaan ng Lupang Pangako.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share