Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Ipapangalan sa Lunsod ay Naroon si Jehova”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • “Ang Lunsod ay Nasa Gitna Nito”

      5, 6. (a) Sino ang nagmamay-ari ng lunsod? (b) Saan hindi tumutukoy ang lunsod, at bakit?

      5 Basahin ang Ezekiel 48:15. Ano ang kahulugan ng “lunsod” at ng lupaing nakapalibot dito? (Ezek. 48:16-18) Sa pangitain, sinabi ni Jehova kay Ezekiel: “Magiging pag-aari iyon ng buong sambahayan ng Israel.” (Ezek. 45:6, 7) Kaya ang lunsod at ang lupaing nakapalibot dito ay hindi kasama sa “banal na abuloy” na “ibibigay . . . kay Jehova.” (Ezek. 48:9) Tandaan natin iyan habang tinatalakay ang mga aral na makukuha natin mula sa kaayusan ng lunsod na ito.

      6 Pero bago iyan, alamin muna natin kung saan hindi puwedeng tumukoy ang lunsod. Hindi ito puwedeng tumukoy sa muling-itinayong lunsod ng Jerusalem na may templo. Bakit? Dahil ang lunsod na nakita ni Ezekiel ay walang templo. Hindi rin ito tumutukoy sa alinmang lunsod sa ibinalik na lupain ng Israel. Bakit? Dahil ang bumalik na mga tapon at ang mga inapo nila ay hindi nakapagtayo ng lunsod na katulad ng inilalarawan sa pangitain. At hindi rin ito puwedeng tumukoy sa isang makalangit na lunsod. Bakit? Dahil itinayo ito sa “di-banal” na lupain, hindi sa lupain na ibinukod para sa pagsamba.​—Ezek. 42:20.

      7. Ano ang lunsod na nakita ni Ezekiel, at lumilitaw na saan ito lumalarawan? (Tingnan ang larawan sa simula ng kabanata.)

      7 Kung gayon, ano ang lunsod na nakita ni Ezekiel? Tandaan na sa iisang pangitain lang nakita ni Ezekiel ang lunsod at ang lupain. (Ezek. 40:2; 45:1, 6) Ipinapakita ng Salita ng Diyos na ang lupain ay tumutukoy sa isang espirituwal na lupain, kaya tiyak na ang lunsod ay isang espirituwal na lunsod. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang “lunsod”? Maiisip natin sa salitang ito ang isang grupo ng mga tao na naninirahan nang sama-sama at organisado. Kaya lumilitaw na ang napakaayos at kuwadradong lunsod na nakita ni Ezekiel ay lumalarawan sa isang napakaorganisadong pangangasiwa, o administrasyon.

      Ang lunsod na nakita ni Ezekiel sa pangitain

      8. Ano ang sakop ng administrasyong ito, at bakit natin nasabi iyan?

      8 Ano ang sakop ng administrasyong ito? Ipinapakita sa pangitain ni Ezekiel na pinangangasiwaan ng lunsod ang espirituwal na lupain. Kaya sa ngayon, ginagabayan ng administrasyong ito ang mga gawain ng bayan ng Diyos. At ano naman ang ipinapahiwatig ng detalye na ang lunsod ay nasa di-banal na lupain? Ipinapaalaala nito sa atin na ang lunsod ay hindi isang makalangit na administrasyon, kundi isang makalupang administrasyon na nangangasiwa para sa kapakinabangan ng lahat ng naninirahan sa espirituwal na paraiso.

  • 21A “Ang Abuloy na Ibibigay Ninyo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • E. Ang “Natitirang Bahagi”

      Ito ay “magiging pag-aari . . . ng buong sambahayan ng Israel” at “magagamit ng lunsod bilang tirahan at pastulan.”

      EZEK. 45:6; 48:15-19

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share