Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isinisiwalat ni Jehova ang “Kailangang Maganap sa Di-kalaunan”
    Ang Bantayan—2012 | Hunyo 15
    • 9 Matagal nang sinisikap ng mga lingkod ni Jehova na maunawaan ang makasagisag na kahulugan ng mga paa ng imahen. Sinasabi ng Daniel 2:41 na ang pinaghalong bakal at luwad ay iisang “kaharian,” hindi marami. Kaya ang luwad ay kumakatawan sa mga elemento sa ilalim ng pamamahala ng Kapangyarihang Pandaigdig na Anglo-Amerikano, mga elementong nagpapahina rito kung ihahambing sa purong bakal na Imperyo ng Roma. Ang luwad ay tinukoy bilang “supling ng sangkatauhan”​—ang karaniwang mga tao. (Dan. 2:43) Sa ilalim ng Anglo-Amerika, ang mga tao ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng mga kampanya para sa karapatang sibil, mga unyon, at kilusang militante. Pinahihina ng karaniwang mga tao ang tulad-bakal na lakas ng Anglo-Amerika. Bukod diyan, dahil sa nagkakasalungatang mga ideolohiya at mahihigpit na labanan sa eleksiyon, humina ang kapangyarihan maging ng kilaláng mga lider, anupat nahihirapan silang ipatupad ang kanilang mga patakaran. Inihula ni Daniel: “Ang kaharian ay magiging malakas nang bahagya at magiging marupok nang bahagya.”​—Dan. 2:42; 2 Tim. 3:1-3.

  • Isinisiwalat ni Jehova ang “Kailangang Maganap sa Di-kalaunan”
    Ang Bantayan—2012 | Hunyo 15
    • 11 May pantanging kahulugan ba ang bilang ng mga daliri sa paa ng imahen? Pag-isipan ito: Sa ibang pangitain, bumanggit si Daniel ng espesipikong mga numero​—halimbawa, ang bilang ng sungay sa ulo ng iba’t ibang hayop. May kahulugan ang mga bilang na iyon. Pero nang ilarawan niya ang imahen, hindi binanggit ni Daniel ang bilang ng mga daliri. Kaya walang pantanging kahulugan ang bilang ng mga daliri sa paa, kung paanong wala ring pantanging kahulugan ang bilang ng mga bisig, kamay, daliri, binti, at paa ng imahen. Pero espesipikong sinabi ni Daniel na ang mga daliri sa paa ng imahen ay gawa sa bakal at luwad. Batay sa kaniyang paglalarawan, masasabi natin na ang Anglo-Amerika ang kapangyarihang pandaigdig na nangingibabaw kapag ang “bato,” na kumakatawan sa Kaharian ng Diyos, ay tumama sa mga paa ng imahen.​—Dan. 2:45.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share