Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Namamahala Na ang Kaharian!
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Hulyo
    • 10. (a) Gaya ng inihula ni Daniel, ano ang nakikita natin ngayon sa Kapangyarihang Pandaigdig na Anglo-Amerikano? (b) Anong panganib ang dapat nating iwasan? (Tingnan ang kahong “Nakikita Mo Ba ang Panganib?”)

      10 Una, di-gaya ng naunang mga kapangyarihang pandaigdig na binanggit sa pangitain, ang tambalang Anglo-Amerikano ay inilalarawan, hindi bilang purong ginto o pilak, kundi bilang pinaghalong bakal at putik. Ang putik ay lumalarawan sa “supling ng sangkatauhan,” o karaniwang mga tao. (Dan. 2:43, tlb.) Kitang-kita sa ngayon ang impluwensiya ng mga tao sa mga eleksiyon, kampanya para sa karapatang sibil, malakihang protesta, at mga unyon. Dahil dito, nahihirapan ang kapangyarihang pandaigdig na ito na ipatupad ang mga patakaran nito.

      Nakikita Mo Ba ang Panganib?

      Mga paa na gawa sa bakal at putik sa pangitain ni Daniel tungkol sa pagkalaki-laking imahen. Nasa paanan ang mga nagpoprotesta na nagdudulot ng kaguluhan, mga guwardiya na may mga panangga, mga lider ng mundo na nagtitipon, at mga miyembro ng United Nations na nasa pagtitipon.

      Sa hula ni Daniel, ang putik sa mga paa ng pagkalaki-laking imahen ay lumalarawan sa karaniwang mga tao. Kaya nilang impluwensiyahan ang mga tagapamahala, pati na ang paraan ng pamamahala ng mga ito. (Dan. 2:41-43) Puwede ba nila tayong maimpluwensiyahan? Oo! Kung hindi natin iingatan ang puso natin, puwede nating maikompromiso ang neutralidad natin. Halimbawa, baka matukso tayong suportahan ang opinyon ng mga nagpoprotesta o kilusan sa politika na gusto ng mga pagbabago. (Kaw. 4:23; 24:21, tlb.) Paano natin iyon maiiwasan? Tandaan na si Satanas ang tagapamahala ng sanlibutang ito. (1 Juan 5:19) At ang Kaharian ng Diyos lang ang pag-asa natin.​—Awit 146:3-5.

  • Namamahala Na ang Kaharian!
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Hulyo
    • Nakikita Mo Ba ang Panganib?

      Mga paa na gawa sa bakal at putik sa pangitain ni Daniel tungkol sa pagkalaki-laking imahen. Nasa paanan ang mga nagpoprotesta na nagdudulot ng kaguluhan, mga guwardiya na may mga panangga, mga lider ng mundo na nagtitipon, at mga miyembro ng United Nations na nasa pagtitipon.

      Sa hula ni Daniel, ang putik sa mga paa ng pagkalaki-laking imahen ay lumalarawan sa karaniwang mga tao. Kaya nilang impluwensiyahan ang mga tagapamahala, pati na ang paraan ng pamamahala ng mga ito. (Dan. 2:41-43) Puwede ba nila tayong maimpluwensiyahan? Oo! Kung hindi natin iingatan ang puso natin, puwede nating maikompromiso ang neutralidad natin. Halimbawa, baka matukso tayong suportahan ang opinyon ng mga nagpoprotesta o kilusan sa politika na gusto ng mga pagbabago. (Kaw. 4:23; 24:21, tlb.) Paano natin iyon maiiwasan? Tandaan na si Satanas ang tagapamahala ng sanlibutang ito. (1 Juan 5:19) At ang Kaharian ng Diyos lang ang pag-asa natin.​—Awit 146:3-5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share