Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sinubok—Ngunit Tapat kay Jehova!
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • ANG MGA PILING KABATAAN NG JERUSALEM

      7, 8. Mula sa Daniel 1:3, 4, at Dan 1:6, ano ang ating mahihinuha hinggil sa pinagmulan ni Daniel at ng kaniyang tatlong kasama?

      7 Higit pa sa mga kayamanan ni Jehova sa templo ang dinala sa Babilonya. Wika ng ulat: “At sinabi ng hari kay Aspenaz na kaniyang punong opisyal ng korte na dalhin ang ilan sa mga anak ni Israel at sa mga maharlikang supling at sa mga taong mahal, mga bata na walang anumang kapintasan, kundi may mabuting anyo at may kaunawaan sa lahat ng karunungan at may kabatiran sa kaalaman, at may unawa sa mga bagay na nalalaman, na sila rin ay may kakayahang tumayo sa palasyo ng hari.”​—Daniel 1:3, 4.

      8 Sino ang mga pinili? Sinabi sa atin: “At kasama nga sa kanila ang ilan sa mga anak ni Juda, sina Daniel, Hananias, Misael at Azarias.” (Daniel 1:6) Ito’y nagdaragdag ng kaunting liwanag sa di-malinaw na pinagmulan ni Daniel at ng kaniyang mga kasama. Halimbawa, ating nakita na sila’y “mga anak ni Juda,” ang makaharing tribo. Sila ma’y mula sa maharlikang hanay o hindi, makatuwirang isipin sa paano man na sila’y mula sa importante at maimpluwensiyang mga pamilya. Bukod sa pagiging malusog ang isipan at katawan, sila’y may kaunawaan, karunungan, kaalaman, at pagkaunawa​—lahat ng ito habang sila’y nasa murang edad pa anupat matatawag na “mga bata,” marahil ay tumutuntong pa lamang sila sa pagkatin-edyer. Si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay maaaring namumukod-tangi​—mga pilí​—mula sa mga kabataan sa Jerusalem.

  • Sinubok—Ngunit Tapat kay Jehova!
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • ISANG PAGBABAKA PARA SA KAISIPAN

      10. Ano ang itinuro sa mga kabataang Hebreo, at ano ang layunin nito?

      10 Karaka-raka, nagpasimula ang isang pagbabaka para sa murang isipan ng mga tapong ito. Upang matiyak na ang mga tin-edyer na Hebreo ay mahuhubog sa sistema ng Babilonya, ipinag-utos ni Nabucodonosor sa kaniyang mga opisyal na “ituro sa kanila ang sulat at ang wika ng mga Caldeo.” (Daniel 1:4) Hindi ito isang pangkaraniwang edukasyon. Ang The International Standard Bible Encyclopedia ay nagpapaliwanag na ito’y “binubuo ng pag-aaral ng Sumeriano, Akkadiano, Aramaiko . . . , at iba pang mga wika, gayundin ang detalyadong literatura na isinulat sa mga ito.” Ang “detalyadong literatura” ay binubuo ng kasaysayan, matematika, astronomiya, at iba pa. Gayunman, “ang kaugnay na mga tekstong relihiyoso, kapuwa omina [mga signo] at astrolohiya . . . , ay gumaganap ng isang malaking bahagi rito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share