Tungkol sa pagsusunog sa hurno bilang parusa, makikita ito nang ilang beses sa mga rekord ng Babilonya noon, kasama na ang mga kaso na ipinag-utos ng tagapamahala. Sa isang sulat noong panahon ng pamamahala ni Nabucodonosor, mababasa ang parusa sa mga opisyal na naakusahang lumalapastangan sa mga diyos ng Babilonya. Sinasabi doon: “Lipulin sila, sunugin sila, tustahin sila, . . . sa hurnuhan . . . hayaang pumailanlang ang usok nila, dalhin sila sa maapoy na katapusan nila sa naglalagablab na apoy.”