Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Matuto sa Halimbawa ni Daniel
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2023 | Agosto
    • 6. Ano ang posibleng nakatulong kay Daniel na magkaroon ng lakas ng loob?

      6 Ano ang posibleng nakatulong kay Daniel na magkaroon ng lakas ng loob sa buong buhay niya? Noong bata pa si Daniel, siguradong natuto siya sa magandang halimbawa ng mga magulang niya. Tiyak na sinunod nila ang mga tagubilin ni Jehova para sa mga magulang na Israelita at itinuro nila ang Kautusan ng Diyos sa anak nila. (Deut. 6:6-9) Alam ni Daniel, hindi lang ang Sampung Utos, kundi pati na ang maraming detalye sa Kautusan, gaya ng kung ano ang puwede at hindi puwedeng kainin ng mga Israelita.b (Lev. 11:4-8; Dan. 1:8, 11-13) Alam din ni Daniel ang kasaysayan ng mga lingkod ng Diyos at ang mga nangyari sa kanila nang suwayin nila si Jehova. (Dan. 9:10, 11) Dahil sa mga karanasan ni Daniel, lalo siyang nagtiwala na anuman ang mangyari, tutulungan siya ni Jehova at ng makapangyarihang mga anghel.​—Dan. 2:19-24; 10:12, 18, 19.

  • Matuto sa Halimbawa ni Daniel
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2023 | Agosto
    • b May tatlong posibleng dahilan kung bakit itinuring ni Daniel na marumi ang pagkain sa Babilonya: (1) Posibleng karne iyon ng hayop na marumi ayon sa Kautusan. (Deut. 14:7, 8) (2) Posibleng hindi pinatulo nang mabuti ang dugo ng karne. (Lev. 17:10-12) (3) Posibleng itinuturing na bahagi ng pagsamba sa huwad na diyos ang pagkain nito.​—Ihambing ang Levitico 7:15 at 1 Corinto 10:18, 21, 22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share