Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apat na Salitang Bumago sa Daigdig
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 10. Ano ang nagawa ng marurunong na tao sa kanilang pagsisikap na ipaliwanag ang sulat-kamay sa pader?

      10 Nagsihanay ang marurunong na tao sa malaking bulwagan. Hindi sila kukulangin, yamang ang Babilonya ay isang lunsod na batbat ng huwad na relihiyon at sagana sa mga templo. Ang mga taong nag-aangkin na nakababasa ng mga palatandaan at nakaaalam ng mahiwagang mga sulat ay tiyak na naglipana. Ang marurunong na taong ito ay maaaring nanabik sa pagkakataong nasa harapan nila. Ito na ang kanilang pagkakataong maisagawa ang sining na kanilang nalalaman sa harapan ng kilalang mga tao, tamuhin ang pagsang-ayon ng hari, at lumuklok sa isang posisyong taglay ang malaking kapangyarihan. Subalit bigung-bigo sila! “Wala silang kakayahang basahin ang sulat o ipaalam sa hari ang pakahulugan.”d​—Daniel 5:8.

      11. Bakit kaya hindi nabasa ng marurunong na tao ng Babilonya ang sulat?

      11 Kung hindi naintindihan ng marurunong na tao ng Babilonya ang mismong sulat​—ang mismong mga letra​—ay hindi matiyak. Kung hindi nga naintindihan ang mga ito, ang mga taong ito na walang konsiyensiya ay magkakaroon ng sapat na pagkakataon upang umimbento ng anumang huwad na pakahulugan, kahit na marahil ng isang pakahulugan upang bolahin ang hari. Ang isa pang posibilidad ay na ang mga letra ay madaling basahin. Gayunman, yamang ang mga wikang gaya ng Aramaiko at Hebreo ay isinulat nang walang patinig, bawat salita ay maaaring magkaroon ng ilang posibleng kahulugan. Kung gayon, malamang na hindi mapagpasiyahan ng marurunong na tao kung ano talaga ang mga salitang iyon. Kung sakali mang magawa nila iyon, hindi pa rin nila mauunawaan ang kahulugan ng mga salita upang maibigay ang pakahulugan ng mga iyon. Sa paano man, isang bagay ang tiyak: Ang marurunong na tao ng Babilonya ay nabigo​—nang buong saklap!

  • Apat na Salitang Bumago sa Daigdig
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • d Binanggit ng babasahing Biblical Archaeology Review: “Ang mga ekspertong taga-Babilonya ay nagkatalogo ng libu-libong babalang tanda. . . . Nang ipinag-utos ni Belsasar na alamin kung ano ang kahulugan ng sulat sa pader, walang pagsalang ang marurunong na tao ng Babilonya ay bumaling sa mga ensayklopidiya ng mga palatandaan. Subalit ang mga ito’y napatunayang walang kabuluhan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share