-
Iniligtas Mula sa Bibig ng mga Leon!Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
-
-
16. (a) Bakit iginagalang ni Dario ang Diyos ni Daniel? (b) Ano ang inaasahan ni Dario hinggil kay Daniel?
16 Nadama ni Dario na wala na siyang magagawa pa sa bagay na ito. Ang batas ay hindi maaaring pawalang-bisa, ni mapatawad ang “kasalanan” ni Daniel. Ang nasabi lamang ni Dario kay Daniel ay “ang iyong Diyos na pinaglilingkuran mo nang may katatagan, siya mismo ang magliligtas sa iyo.” Waring iginagalang ni Dario ang Diyos ni Daniel. Si Jehova ang nagbigay kay Daniel ng kakayahang ihula ang pagbagsak ng Babilonya. Ang Diyos din ang nagbigay kay Daniel ng “isang pambihirang espiritu,” na nagpakita ng pagkakaiba niya mula sa iba pang matataas na opisyal. Marahil ay batid ni Dario na mga ilang dekada bago nito ang Diyos ding ito ang nagligtas sa tatlong kabataang Hebreo mula sa maapoy na hurno. Malamang, ang hari ay umaasang ililigtas ngayon ni Jehova si Daniel, yamang hindi maaaring baligtarin ni Dario ang batas na kaniyang nilagdaan. Kaya, itinapon si Daniel sa yungib ng mga leon.c Pagkatapos, “isang bato ang dinala at inilagay sa bunganga ng yungib, at tinatakan iyon ng hari ng kaniyang singsing na panlagda at ng singsing na panlagda ng kaniyang mga taong mahal, upang walang anumang mabago may kinalaman kay Daniel.”—Daniel 6:16, 17.
-
-
Iniligtas Mula sa Bibig ng mga Leon!Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
-
-
c Ang yungib ng mga leon ay maaaring isang silid sa ilalim ng lupa na may butas sa itaas. Malamang na ito’y may mga pinto o mga rehas na maaaring itaas upang makapasok ang mga hayop.
-