Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Iniligtas Mula sa Bibig ng mga Leon!
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 20. Ano ang nangyari sa mga pusakal na kaaway ni Daniel?

      20 Ngayong ligtas na si Daniel, si Dario ay may ibang bagay na dapat pang asikasuhin. “Nag-utos ang hari, at dinala nila ang matitipunong lalaking ito na nag-akusa kay Daniel, at inihagis nila sa yungib ng mga leon ang mga ito, ang kanilang mga anak at ang kanilang mga asawa; at hindi pa sila nakararating sa sahig ng yungib nang mapanaigan sila ng mga leon, at ang lahat ng kanilang mga buto ay dinurog nila.”d​—Daniel 6:24.

      21. Sa pakikitungo sa mga miyembro ng pamilya ng mga nagkasala, ano ang pagkakaiba ng Kautusang Mosaiko at ng mga batas ng sinaunang mga kultura?

      21 Ang pagpatay hindi lamang sa mga magkakasabuwat kundi maging ang kanilang mga asawa at mga anak ay waring labis-labis na kalupitan. Sa kabaligtaran, ang Kautusan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Moises ay nagsasaad: “Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak, at ang mga anak ay hindi papatayin dahil sa mga ama. Ang bawat isa ay papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.” (Deuteronomio 24:16) Gayunpaman, sa ilang sinaunang kultura, karaniwan nang pinapatay ang mga miyembro ng pamilya kasama ng nagkasala, sa kaso ng isang malubhang krimen. Marahil ito’y ginagawa upang ang mga miyembro ng pamilya ay hindi na makapaghiganti pa sa dakong huli. Gayunman, ang ginawang ito laban sa mga pamilya ng matataas na opisyal at mga satrapa ay tiyak na hindi kagagawan ni Daniel. Malamang, siya’y namanglaw sa kalamidad na dinala ng balakyot na mga lalaking ito sa kani-kanilang pamilya.

  • Iniligtas Mula sa Bibig ng mga Leon!
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • d Ang salitang “nag-akusa” ay isang salin ng Aramaikong pananalita na maaari ring isaling “siniraang-puri.” Itinatampok nito ang masamang intensiyon ng mga kaaway ni Daniel.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share