-
Daniel—Isang Mapaniniwalaang Aklat ng HulaAng Bantayan—1986 | Oktubre 1
-
-
Inilahad ni Daniel: “May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan . . . At apat na malalaking hayop ang nagsiahon mula sa dagat, pawang nagkakaiba-iba. Ang una’y gaya ng leon . . . At, narito! isa pang hayop, ang ikalawa, na gaya ng isang oso. . . . At, narito! isa pang hayop, na gaya ng leopardo . . . Pagkatapos nito’y tumingin ako sa mga pangitain sa kinagabihan, at, narito! ang ikaapat na hayop, kakila-kilabot at makapangyarihan at pambihira ang lakas. . . . Ang mga dakilang hayop na ito na apat, ay apat na hari na magbabangon sa lupa. Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasan ay magsisitanggap ng kaharian, at kanilang aariin ang kaharian hanggang sa panahong walang takda.”—Daniel 7:2-18.
-
-
Daniel—Isang Mapaniniwalaang Aklat ng HulaAng Bantayan—1986 | Oktubre 1
-
-
Gayundin naman, ang apat na hayop ng Daniel kabanatang 7 ay sumasagisag sa apat na mga kapangyarihang pandaigdig mula noong kaarawan ni Daniel pasulong, hanggang sa panahon ng pagtatatag ng Kaharian ng Diyos. Si Daniel ay nabuhay hanggang sa pagkatapos pang bumagsak ang Kapangyarihang Pandaigdig ng Babilonya, (ang leon) at buhay pa rin siya hanggang sa pagsisimula ng humalili rito, ang Medo-Persia (ang oso). Ang pangmatagalang hula ni Daniel ay tungkol sa pagbagsak ng Medo-Persia bago humalili ang Gresya (ang leopardo), na ito nama’y hahalinhan ng “ikaapat na hayop,” ang Imperyo Romano at ang supling nito, ang Anglo-Amerikanong Kapangyarihang Pandaigdig.b
-