Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • “Ang lalaking kambing, sa ganang sarili, ay labis na nagmalaki; subalit nang sandaling lumakas iyon, ang malaking sungay ay nabali, at kahalili niyao’y kitang-kitang lumitaw ang apat na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit. . . . Ang mabalahibong lalaking kambing ay kumakatawan sa hari ng Gresya; at kung tungkol naman sa malaking sungay na nasa pagitan ng mga mata niyaon, iyon ay kumakatawan sa unang hari. At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, apat na kaharian ang magbabangon mula sa kaniyang bansa, ngunit hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.​—Daniel 8:8, 21, 22.

  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • Gaya ng hula ng Bibliya, ang pagtatamasa ni Alejandro ng paghawak ng kapangyarihan ng pagpupuno sa daigdig ay panandalian lamang. Sa mismong sukdulan ng kaniyang matagumpay na karera, sa edad na 32 anyos lamang, ang walang patumanggang pananakop ni Alejandro ay nagwakas. Bagaman siya’y nilalagnat na likha ng sakit na malaria siya’y nagpatuloy ng pagsasaya hanggang sa kalasingan at biglang-biglang namatay sa Babilonya noong 323 B.C.E. Ang kaniyang bangkay ay dinala sa Ehipto at inilibing sa Alexandria. “Ang malaking sungay” na “kumakatawan sa unang hari” ay nabali. Nang magkagayo’y ano ang nangyari sa kaniyang imperyo?

      Sang-ayon sa hula ang kaniyang kaharian ay magkakabaha-bahagi “ngunit hindi sa kaniyang inapo.” Ang walang kakayahang kapatid ni Alejandro na si Felipe Arrhidaeus ay namahala nang maikling panahon ngunit pinaslang. Ganoon din ang tunay na anak ni Alejandro na si Alejandro (Allou) at ang kaniyang di-tunay na anak na si Heracles (Hercules). Ganoon nalipol ang angkan ni Alejandrong Dakila, ang malupit na tagapagbubo ng dugo.

      Inihula rin na “may apat na kaharian ang magbabangon mula sa kaniyang bansa, ngunit hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan” at na ang kaniyang kapangyarihan ay “magkakabaha-bahagi sa apat na hangin ng langit, ngunit . . . hindi ayon sa kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinagpuno.” Nangyari ba rin ito?

      Sa paglakad ng panahon, ang malawak na imperyo ni Alejandro ay nagkabaha-bahagi sa apat na mga heneral niya: (1) Heneral Cassander​—Macedonia at Gresya. (2) Heneral Lysimachus​—Asia Minor at Thrace ng Europa. (3) Heneral Seleucus Nicator​—Babilonya, Media, Sirya, Persia at ang silanganing mga lalawigan hanggang sa Ilog Indus. (4) Heneral Ptolemy Lagus​—Ehipto, Libya, at Palestina. Gaya ng inihula, buhat sa malawak na kaharian ni Alejandro bumangon ang apat na Hellenico, o Gresyanong, mga kaharian.a

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share