Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Makatatayo Laban sa Prinsipe ng mga Prinsipe?
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 21. Sino ang tumatahan sa isang “banal na dako” na pinagsisikapang itiwangwang ng ikapitong kapangyarihang pandaigdig?

      21 Sa ngayon ang nalalabi ng 144,000 ay ang makalupang mga kinatawan ng “makalangit na Jerusalem”​—ang tulad-lunsod na Kaharian ng Diyos​—at ang pantemplong kaayusan nito. (Hebreo 12:22, 28; 13:14) Sa ganitong diwa ay tumatahan sila sa isang “banal na dako” na sinisikap na yurakan at gawing tiwangwang ng ikapitong kapangyarihang pandaigdig. (Daniel 8:13) Sa pagtukoy rin sa banal na dakong iyan bilang “ang tatag na dako ng santuwaryo [ni Jehova],” sinabi ni Daniel: “Sa kaniya [Jehova] ay inalis ang palagiang handog, at ang tatag na dako ng kaniyang santuwaryo ay ibinagsak. At isang hukbo ang ibinigay sa kalaunan, kasama ang palagiang handog, dahil sa pagsalansang; at patuloy nitong inihahagis sa lupa ang katotohanan, at ito ay kumilos at nagtagumpay.” (Daniel 8:11, 12) Paano ito natupad?

      22. Noong Digmaang Pandaigdig II, paano nakagawa ng kapansin-pansing “pagsalansang” ang ikapitong kapangyarihang pandaigdig?

      22 Ano ba ang dinanas ng mga Saksi ni Jehova noong Digmaang Pandaigdig II? Sila’y dumanas ng matinding pag-uusig! Ito’y nagsimula sa mga bansang Nazi at Pasista. Subalit di-nagtagal at ang ‘katotohanan ay inihahagis sa lupa’ sa buong nasasakupan ng ‘maliit na sungay na ang kalakasan ay naging makapangyarihan.’ “Ang hukbo” ng mga tagapaghayag ng Kaharian at ang kanilang gawaing pangangaral “ng mabuting balita” ay ipinagbawal sa halos buong British Commonwealth. (Marcos 13:10) Nang sapilitang tumawag ang mga bansang ito ng mga magsusundalo, hindi nila pinalibre ang mga Saksi ni Jehova bilang mga ministro, na nagpapakita ng kawalang-galang sa kanilang teokratikong atas bilang mga ministro ng Diyos. Ang marahas na pang-uumog at iba’t ibang uri ng paghamak ay naranasan ng mga tapat na lingkod ni Jehova sa Estados Unidos. Sa diwa, sinikap alisin ng ikapitong kapangyarihang pandaigdig ang hain ng papuri​—“ang bunga ng mga labi”​—na regular na inihahandog kay Jehova ng kaniyang bayan bilang “palagiang handog” ng kanilang pagsamba. (Hebreo 13:15) Sa ganitong paraan ang kapangyarihang pandaigdig na ito ay nakagawa ng “pagsalansang” sa paglusob sa mismong nasasakupan ng Kataas-taasang Diyos​—“ang tatag na dako ng kaniyang santuwaryo.”

      23. (a) Noong Digmaang Pandaigdig II, paano tumayo “laban sa Prinsipe ng mga prinsipe” ang Kapangyarihang Pandaigdig ng Anglo-Amerikano? (b) Sino ang “Prinsipe ng mga prinsipe”?

      23 Sa pamamagitan ng pag-uusig sa “mga banal” noong Digmaang Pandaigdig II, ang maliit na sungay ay lubhang nagpalalo “hanggang sa Prinsipe ng hukbo.” O, gaya ng sinabi ni anghel Gabriel, ito’y tumayo “laban sa Prinsipe ng mga prinsipe.” (Daniel 8:11, 25) Ang titulong “ang Prinsipe ng mga prinsipe” ay pantanging kumakapit sa Diyos na Jehova. Ang Hebreong salitang sar, na isinaling “prinsipe,” ay kaugnay ng isang pandiwa na nangangahulugang “manakop.” Bukod pa sa pagtukoy sa anak ng hari o isang taong maharlika, ang salita ay kumakapit sa isang ulo, o sa isang pinuno. Ang aklat ng Daniel ay bumabanggit sa iba pang mga anghelikong prinsipe​—halimbawa, si Miguel. Ang Diyos ang Pinunong Prinsipe ng lahat ng prinsipeng ito. (Daniel 10:13, 21; ihambing ang Awit 83:18.) Maguguniguni kaya natin na may sinumang makatatayo laban kay Jehova​—ang Prinsipe ng mga prinsipe?

      DINALA SA TAMANG KALAGAYAN ANG “BANAL NA DAKO”

      24. Anong katiyakan ang ibinibigay sa atin ng Daniel 8:14?

      24 Walang sinuman na makatatayo laban sa Prinsipe ng mga prinsipe​—kahit na isang hari na “mabangis ang mukha” gaya ng Kapangyarihang Pandaigdig ng Anglo-Amerikano! Ang mga pagtatangka ng haring ito na itiwangwang ang santuwaryo ng Diyos ay hindi nagtatagumpay. Pagkatapos ng isang yugto ng “dalawang libo at tatlong daang gabi at umaga,” sabi ng mensaherong anghel, “ang dakong banal ay tiyak na dadalhin sa tamang kalagayan nito,” o “magtatagumpay.”​—Daniel 8:13, 14; The New English Bible.

  • Sino ang Makatatayo Laban sa Prinsipe ng mga Prinsipe?
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 27. Ano ang patotoo na ang “palagiang handog” ay nahadlangan noong mga taon na puspusan ang pag-uusig noong Digmaang Pandaigdig II?

      27 Sa patuloy na paglakad ng 2,300 araw noong Digmaang Pandaigdig II, na nagsimula noong 1939, ang paghahain ng “palagiang handog” sa santuwaryo ng Diyos ay mahigpit na nahadlangan dahilan sa pag-uusig. Noong 1938, ang Watch Tower Bible and Tract Society ay may 39 na sangay na nangangasiwa sa gawain ng mga Saksi sa buong daigdig, subalit noong 1943 ito’y naging 21 na lamang. Ang pagsulong sa bilang ng mga tagapaghayag ng Kaharian ay maliit din nang panahong iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share