Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • Sa ikalawang pangitaing makahula, isang kambing na lalaki ang nakitang “nagmumula sa lubugan ng araw [ang kanluran] sa ibabaw ng buong lupa,” na anupa’t pagkabilis-bilis ang lipad kung kaya’t “ito’y hindi sumasayad sa lupa.” Sa malayong nalakbayan nito ay dumating ito sa dalawang-sungay na tupang lalaki na ang sabi ng anghel ay “kumakatawan sa mga hari ng Media at Persia.” Ang kambing na lalaki ay “humayo upang saktan ang tupa at baliin ang dalawang sungay niyaon.” Kay Daniel ay sinabi: “Ang mabalahibong kambing na lalaki ay kumakatawan sa hari ng Gresya.”​—Daniel 8:5-8, 20, 21.

  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • Natupad ang mga Hula

      Noong tagsibol ng taóng 334 B.C.E., si Alejandro ay pumasok sa Asia at sa Dardanelles (ang sinaunang Hellespont) kasama ang mga 30,000 mga naglalakad na kawal at 5,000 mga kawal na nangangabayo. Taglay ang bilis ng isang simbolikong leopardong may apat na pakpak o ng isang kambing na waring hindi sumasayad ang paa sa lupa, siya’y lumusob sa lupaing nasasakupan ng imperyong Persiano​—50 beses ang laki kaysa kaniyang sariling kaharian! Siya kaya ay “magpupuno na may malaking kapangyarihan at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban”? Ang kasaysayan ang sumasagot.

      Sa Ilog Granicus sa hilagang-kanlurang sulok ng Asia Minor (modernong Turkey) natamo ni Alejandro ang kaniyang unang pakikipagbaka laban sa mga Persiano. Nang taglamig na iyon kaniyang nasakop ang kanlurang Asia Minor. Nang sumunod na taglagas sa Issus sa timog-silangang sulok ng Asia Minor, lubusang nagapi niya ang isang hukbong Persiano na tinatayang may kalahating milyong mga kawal, at ang dakilang hari, si Dario III ng Persia, ay tumakas, anupa’t ang kaniyang pamilya ay iniwang abandonado sa mga kamay ni Alejandro.

      Imbis na tugisin ang tumatakas na mga Persiano, si Alejandro ay pumatimog na namamaybay sa baybaying Mediterraneo, at sinakop ang mga base na ginamit ng makapangyarihang plotang Persiano. Ang pulóng-lunsod ng Tiro ay pitong buwan na lumaban. Sa wakas, ginamit ni Alejandro ang mga eskombro ng dating lunsod sa kontinente na winasak ni Nabucodonosor upang gumawa ng isang tawiran patungo sa pulóng-lunsod. Makikita pa hanggang ngayon ang mga labi ng tawirang iyon, na nagpapatunay ng katuparan ng hula ni Ezekiel na ang alabok ng Tiro ay ihahagis sa dagat.​—Ezekiel 26:4, 12.

  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Abril 15
    • Lahat ng mga layunin ng plano ni Felipe ay natupad at nalampasan pa nga, subalit iyon ay hindi pa ang lahat kay Alejandro. Gaya ng isang mabilis-kumilos na lalaking kambing, siya’y bumalik patungong hilagang-silangan, bumagtas sa Palestina at nagpatuloy paitaas patungo sa Ilog Tigris. Doon, noong taong 331 B.C.E., kaniyang nakasagupa ang mga Persiano sa Gaugamela, hindi kalayuan sa gumuguhong mga kagibaan ng dating kabiserang Asirio, ang Nineve. Nagapi nang 47,000 na mga kawal ni Alejandro ang isang reorganisadong hukbong Persiano na may 1,000,000 kawal. Si Dario III ay tumakas at nang malaunan ay pinaslang ng kaniyang sariling mga mamamayan.

      Sa bugso ng katuwaan sa tagumpay, si Alejandro ay bumaling sa timog at binihag ang kabiserang pantaglamig ng Persia, ang Babilonya. Kaniya ring sinakop ang mga kabisera sa Susa at Persepolis, sinamsam ang malawak na kabang-yaman ng Persia at sinunog ang dakilang palasyo ni Jerjes. Sa wakas, ang kabisera sa Ecbatana ay nabihag niya. Pagkatapos ay sinupil ng mabilis na konkistador na ito ang nalalabi pang bahagi ng nasasakupang lupain ng Persia, nakarating siya hanggang sa silangan sa Ilog Indus na nasa modernong Pakistan. Walang alinlangan, ang Gresya ang naging ikalima sa dakilang mga kapangyarihan ng daigdig sa kasaysayan ng Bibliya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share