Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isiniwalat ang Panahon ng Pagparito ng Mesiyas
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 25 Bagaman ang kasalanan at kamatayan ay patuloy na sumalot sa sangkatauhan, ang kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus tungo sa makalangit na buhay ay tumupad ng hula. ‘Winakasan nito ang pagsalansang, tinapos ang kasalanan, nagbayad-sala para sa kamalian, at dinala ang katuwiran.’ Inalis na ng Diyos ang tipang Kautusan, na naglantad at humatol sa mga Judio bilang mga makasalanan. (Roma 5:12, 19, 20; Galacia 3:13, 19; Efeso 2:15; Colosas 2:13, 14) Ngayon ay maaari nang pawiin ang mga kasalanan ng mga nagsisising mga manggagawa ng kasamaan, at ang kaparusahan sa mga ito ay maaari nang alisin. Sa pamamagitan ng pampalubag-loob na hain ng Mesiyas, ang pakikipagkasundo sa Diyos ay posible na para sa mga nananampalataya. Makaaasa silang makatanggap ng kaloob ng Diyos na “buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”​—Roma 3:21-26; 6:22, 23; 1 Juan 2:1, 2.

  • Isiniwalat ang Panahon ng Pagparito ng Mesiyas
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 27. Anong “Banal ng Mga Banal” ang pinahiran, at paano?

      27 Ang hula ay bumanggit din ng hinggil sa pagpapahid sa “Banal ng Mga Banal.” Ito’y hindi tumutukoy sa pagpapahid sa Kabanal-banalan, o sa kaloob-loobang dako, ng templo sa Jerusalem. Ang pananalita ritong “Banal ng Mga Banal” ay tumutukoy sa makalangit na santuwaryo ng Diyos. Doon, si Jesus ay nagharap ng halaga ng kaniyang handog bilang tao sa kaniyang Ama. Ang bautismo ni Jesus, noong 29 C.E., ang nagpahid, o nagbukod, sa makalangit o espirituwal na katunayan na inilarawan ng Kabanal-banalan ng makalupang tabernakulo at ng templo sa dakong huli.​—Hebreo 9:11, 12.

      ANG HULA AY PINAGTIBAY NG DIYOS

      28. Ano ang kahulugan ng ‘pagtitimbre ng tatak sa pangitain at propeta’?

      28 Ang Mesiyanikong hula na binigkas ni anghel Gabriel ay bumabanggit din ng ‘pagtitimbre ng tatak sa pangitain at propeta.’ Ito’y nangahulugan na ang lahat ng inihula hinggil sa Mesiyas​—lahat ng kaniyang naisakatuparan sa pamamagitan ng kaniyang hain, pagkabuhay-muli, at pagharap sa langit, at ang iba pang mga bagay na nangyari noong ika-70 sanlinggo​—ay tatatakan ng banal na pagsang-ayon, mapatutunayang totoo, at mapagtitiwalaan. Ang pangitain ay tatatakan, para lamang sa Mesiyas. Ang katuparan nito ay para lamang sa kaniya at sa gawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Tanging may kaugnayan lamang sa inihulang Mesiyas masusumpungan natin ang tamang pakahulugan sa pangitain. Wala nang iba pa ang makapagsisiwalat sa kahulugan nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share