Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinalakas ng Isang Mensahero Mula sa Diyos
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 9, 10. (a) Nasaan si Daniel nang dumating sa kaniya ang isang pangitain? (b) Ilarawan kung ano ang nakita ni Daniel sa pangitain.

      9 Si Daniel ay hindi nabigo. Patuloy niyang sinasabi sa atin kung ano ang sumunod na nangyari, sa pagsasabing: “Habang ako ay nasa pampang ng malaking ilog, na Hidekel, itinaas ko rin ang aking mga mata at tumingin, at narito ang isang lalaking nadaramtan ng lino, na ang kaniyang mga balakang ay nabibigkisan ng ginto ng Upaz.” (Daniel 10:4, 5) Ang Hidekel ay isa sa apat na ilog na nagmumula sa halamanan ng Eden. (Genesis 2:10-14) Sa Sinaunang Persiano, ang Hidekel ay kilala bilang ang Tigra, na siyang pinanggalingan ng Griegong pangalang Tigris. Ang rehiyon sa pagitan nito at ng Eufrates ay tinawag na Mesopotamia, na nangangahulugang “Lupain sa Pagitan ng mga Ilog.” Ito’y nagpapakita na nang tanggapin ni Daniel ang pangitaing ito, siya’y nasa lupain pa rin ng Babilonia, bagaman marahil ay hindi sa lunsod ng Babilonya.

  • Pinalakas ng Isang Mensahero Mula sa Diyos
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • 12, 13. Ano ang ipinakikita hinggil sa mensahero ng (a) kaniyang kasuutan? (b) kaniyang anyo?

      12 Tingnan nating mabuti ang maningning na mensaherong ito na nakasindak kay Daniel. Siya’y “nadaramtan ng lino, na ang kaniyang mga balakang ay nabibigkisan ng ginto ng Upaz.” Sa sinaunang Israel, ang bigkis, epod, at pektoral ng mataas na saserdote, pati na ang mahabang damit ng iba pang mga saserdote, ay yari sa mainam na pinilipit na lino at napapalamutian ng ginto. (Exodo 28:4-8; 39:27-29) Kaya, ang kasuutan ng mensahero ay nagbabadya ng kabanalan at karangalan ng kaniyang tungkulin.

      13 Si Daniel ay nasindak din sa anyo ng mensahero​—ang kinang ng kaniyang tulad hiyas na katawan, ang nakasisilaw na ningning ng kaniyang kumikinang na mukha, ang nanunuot na kapangyarihan ng kaniyang nag-aapoy na mga mata, at ang kislap ng kaniyang makapangyarihang mga bisig at mga paa. Maging ang kaniyang makapangyarihang tinig ay kakila-kilabot. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na siya’y nakahihigit sa tao. Ang “lalaking [ito na] nadaramtan ng lino” ay walang iba kundi isang anghel na may mataas na ranggo, isa na naglilingkod sa banal na presensiya ni Jehova, na pinanggalingan niya taglay ang isang mensahe.a

  • Pinalakas ng Isang Mensahero Mula sa Diyos
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
    • a Bagaman hindi binanggit ang pangalan ng anghel, lumilitaw na siya rin yaong narinig na nag-utos kay Gabriel na tulungan si Daniel sa pangitaing katatapos pa lamang niyang nakita. (Ihambing ang Daniel 8:2, 15, 16 sa Dan 12:7, 8.) Karagdagan pa, ang Daniel 10:13 ay nagpapakita na si Miguel, “isa sa pangunahing prinsipe,” ay dumating upang tulungan ang anghel na ito. Kaya, ang anghel na ito na hindi binanggit ang pangalan ay malamang na nagkapribilehiyong gumawang kaisa nina Gabriel at Miguel.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share