Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pangglobong Paglalabanan Ukol sa Kapangyarihan—Sino ang Magtatagumpay?
    Ang Bantayan—1986 | Oktubre 15
    • Kung nabasa mo ang kasaysayan ng sinaunang Gresya, batid mo na ang bansang iyan ay ginawang isang imperyo ni Alejandrong Dakila. Ito’y inihula ng propeta sa Bibliya na si Daniel. Bilang katuparan ng hula, pagkatapos na ang “makapangyarihang hari” na iyan ay mamatay noong 323 B.C.E., ang imperyo ay sa wakas “nagkabaha-bahagi sa apat na hangin”​—sa apat na mga heneral niya. (Daniel 11:2-4) Sa mga bahaging ito, sumailalim ng kapangyarihan ni Seleucus I Nicator ang Sirya at Mesopotamia​—mga teritoryo sa hilaga at silangan ng bayan ni Daniel, ang Juda. Si Ptolemy Lagus naman, isa pang heneral na Griego, ang sumakop sa Egipto at Palestina, na naglagay sa kaniya sa gawing timog at kanluran ng sakop ni Seleucus Nicator. Dahilan sa kani-kanilang posisyon sila ay naging “hari ng hilaga” at “hari ng timog,” ayon sa kanilang pagkakasunod.​—Daniel 11:5, 6.

      Ang “hilaga” at “timog” ay naging simbolo ng makapangyarihang mga bansa na gumanap ng kani-kanilang bahagi ayon sa inihula.a Sa lumipas na mga siglo iba’t-ibang bansa ang gumanap ng papel ng dalawang “mga hari”; subalit sa tuwina’y akmang-akma sa kanila ang sinasabi ng hula. Sa tuwina’y kinikilala sila na magkaribal, samantalang karaniwan nang kontrolado nila ang mga teritoryo na nasa gawing hilaga at gawing timog ng isa’t-isa.

      Sa ngayon ang mga papel na iyon ay katumbas ng tawag na “Silangan” at “Kanluran.” Ito man naman ay mga terminong simboliko, yamang ang mga teritoryong iyan ay magkasanib. Ang terminong ginagamit ng Bibliya na “hilaga” at “timog” ay angkop na mga simbolo rin naman bagama’t nagkakahawig ang pagkakasanib.

  • Ang Pangglobong Paglalabanan Ukol sa Kapangyarihan—Sino ang Magtatagumpay?
    Ang Bantayan—1986 | Oktubre 15
    • a Halimbawa, ang pangungusap na “tatayo na kahalili niya” ay tumutukoy sa pagkuha ng papel na ginagampanan ng “hari ng hilaga.”​—Daniel 11:20, 21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share