Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang “Hari ng Hilaga” sa Panahon ng Wakas
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Mayo
    • 10. Paano natupad ang Daniel 11:25b, 26?

      10 Inihula rin ni Daniel ang mangyayari sa Imperyo ng Germany at sa puwersang militar nito. Sinabi sa hula na ang hari ng hilaga ay “hindi . . . makatatayo.” Bakit? “Dahil magpaplano sila ng masama laban sa kaniya. At pababagsakin siya ng mga kumakain ng masasarap na pagkain niya.” (Dan. 11:25b, 26a) Noong panahon ni Daniel, kasama sa kumakain ng ‘pagkain ng hari’ ang mga opisyal na ‘naglilingkod sa hari.’ (Dan. 1:5) Kanino tumutukoy ang hulang ito? Tumutukoy ito sa matataas na opisyal ng Imperyo ng Germany—kasama na ang mga heneral at tagapayo ng emperador—na tumulong para pabagsakin ito.e Bukod sa pagbagsak ng imperyo, binanggit din sa hula ang magiging resulta ng pakikipagdigma nito sa hari ng timog. Tungkol sa hari ng hilaga, sinasabi nito: “Matatalo ang hukbo niya, at marami ang mamamatay.” (Dan. 11:26b) Noong unang digmaang pandaigdig, ‘natalo’ nga ang Germany at ‘marami ang namatay.’ Ang digmaang iyan ang napaulat na may pinakamaraming namatay kumpara sa ibang digmaan noon.

  • Ang “Hari ng Hilaga” sa Panahon ng Wakas
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Mayo
    • e Marami silang ginawa para mapabilis ang pagbagsak ng imperyo. Halimbawa, hindi na nila sinuportahan ang hari, ibinunyag ang lihim na impormasyon tungkol sa pakikipagdigma, at pilit na pinababa sa puwesto ang hari.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share