Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isinisiwalat ni Jehova ang “Kailangang Maganap sa Di-kalaunan”
    Ang Bantayan—2012 | Hunyo 15
    • 7. Ano ang kaugnayan ng ikapitong ulo ng mabangis na hayop at ng pagkalaki-laking imahen?

      7 Ano ang kaugnayan ng ikapitong ulo ng mabangis na hayop at ng pagkalaki-laking imahen? Ang Britanya​—at kung palalawakin, pati ang Estados Unidos​—ay nagmula sa Imperyo ng Roma. Ano ang sinasabi tungkol sa mga paa ng imahen? Inilalarawan ang mga ito bilang pinaghalong bakal at luwad. (Basahin ang Daniel 2:41-43.) Ang deskripsiyong ito ay tumutukoy sa panahon kapag naging prominente ang ikapitong ulo​—ang Kapangyarihang Pandaigdig na Anglo-Amerikano. Kung paanong ang bakal na hinaluan ng luwad ay mas mahina kaysa sa purong bakal, ang Anglo-Amerika ay mas mahina rin kaysa sa kapangyarihang pinagmulan nito. Sa anong paraan?

      8, 9. (a) Paano ipinakita ng ikapitong kapangyarihang pandaigdig ang tulad-bakal na lakas nito? (b) Saan kumakatawan ang luwad sa paa ng imahen?

      8 May mga panahong ipinakikita ng ikapitong ulo ng mabangis na hayop ang tulad-bakal na katangian nito. Halimbawa, nagtagumpay ito noong Digmaang Pandaigdig I. Noong Digmaang Pandaigdig II, nakita rin ang kapangyarihan ng ikapitong ulo.c Pagkatapos ng digmaang iyon, paminsan-minsan ay ipinakikita pa rin ng ikapitong ulo ang tulad-bakal na mga katangian nito. Pero mula nang lumitaw ito, ang bakal ay nahaluan ng luwad.

      9 Matagal nang sinisikap ng mga lingkod ni Jehova na maunawaan ang makasagisag na kahulugan ng mga paa ng imahen. Sinasabi ng Daniel 2:41 na ang pinaghalong bakal at luwad ay iisang “kaharian,” hindi marami. Kaya ang luwad ay kumakatawan sa mga elemento sa ilalim ng pamamahala ng Kapangyarihang Pandaigdig na Anglo-Amerikano, mga elementong nagpapahina rito kung ihahambing sa purong bakal na Imperyo ng Roma. Ang luwad ay tinukoy bilang “supling ng sangkatauhan”​—ang karaniwang mga tao. (Dan. 2:43) Sa ilalim ng Anglo-Amerika, ang mga tao ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng mga kampanya para sa karapatang sibil, mga unyon, at kilusang militante. Pinahihina ng karaniwang mga tao ang tulad-bakal na lakas ng Anglo-Amerika. Bukod diyan, dahil sa nagkakasalungatang mga ideolohiya at mahihigpit na labanan sa eleksiyon, humina ang kapangyarihan maging ng kilaláng mga lider, anupat nahihirapan silang ipatupad ang kanilang mga patakaran. Inihula ni Daniel: “Ang kaharian ay magiging malakas nang bahagya at magiging marupok nang bahagya.”​—Dan. 2:42; 2 Tim. 3:1-3.

  • Isinisiwalat ni Jehova ang “Kailangang Maganap sa Di-kalaunan”
    Ang Bantayan—2012 | Hunyo 15
    • 11 May pantanging kahulugan ba ang bilang ng mga daliri sa paa ng imahen? Pag-isipan ito: Sa ibang pangitain, bumanggit si Daniel ng espesipikong mga numero​—halimbawa, ang bilang ng sungay sa ulo ng iba’t ibang hayop. May kahulugan ang mga bilang na iyon. Pero nang ilarawan niya ang imahen, hindi binanggit ni Daniel ang bilang ng mga daliri. Kaya walang pantanging kahulugan ang bilang ng mga daliri sa paa, kung paanong wala ring pantanging kahulugan ang bilang ng mga bisig, kamay, daliri, binti, at paa ng imahen. Pero espesipikong sinabi ni Daniel na ang mga daliri sa paa ng imahen ay gawa sa bakal at luwad. Batay sa kaniyang paglalarawan, masasabi natin na ang Anglo-Amerika ang kapangyarihang pandaigdig na nangingibabaw kapag ang “bato,” na kumakatawan sa Kaharian ng Diyos, ay tumama sa mga paa ng imahen.​—Dan. 2:45.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share