Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 28—Oseas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 14. Anong wastong mga katuparan ng hula ni Oseas ang dapat pansinin?

      14 Ang aklat ni Oseas ay nagpapatibay-pananampalataya sa kinasihang mga hula ni Jehova. Lahat ng inihula ni Oseas tungkol sa Israel at Juda ay nagkatotoo. Ang Israel ay tinalikdan ng kaniyang mangingibig na mga idolatrosong bansa at inani niya ang ipu-ipo ng pagkalipol mula sa Asirya noong 740 B.C.E. (Ose. 8:7-10; 2 Hari 15:20; 17:3-6, 18) Gayunman, inihula ni Oseas na si Jehova ay maaawa sa Juda at ililigtas ito, hindi sa pamamagitan ng hukbong militar. Natupad ito nang patayin ng anghel ni Jehova ang 185,000 Asiryano na nagbabanta sa Jerusalem. (Ose. 1:7; 2 Hari 19:34, 35) Sa kabila nito, ang Juda ay napalakip sa paghatol ng Oseas 8:14: “Magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga lungsod at susupukin nito ang mga kuta ng bawat isa,” isang hula na nagkaroon ng malagim na katuparan nang wasakin ni Nabukodonosor ang Juda at Jerusalem noong 609-607 B.C.E. (Jer. 34:6, 7; 2 Cron. 36:19) Natupad ang mga hula ng pagsasauli nang tipunin ni Jehova ang Juda at Israel, at ‘sila’y nagsilabas sa lupain’ ng pagkakatapon noong 537 B.C.E.​—Ose. 1:10, 11; 2:14-23; 3:5; 11:8-11; 13:14; 14:1-9; Ezra 2:1; 3:1-3.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 28—Oseas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 17. (a) Ano ang dapat gawin ng sinomang natisod tungo sa espirituwal na pangangalunya? (b) Anong nakagagalak na pangako ng Kaharian ang nilalaman ng Oseas?

      17 Ipinakita ng ilustrasyon ng mapangalunyang asawa na matingkad na isinadula ng sariling buhay ni Oseas na si Jehova ay napopoot sa mga tumatalikod sa kaniya at nagkakasala ng espirituwal na pangangalunya dahil sa idolatriya at huwad na pagsamba. Ang mga natisod ng pagkakamali ay dapat manumbalik kay Jehova sa tunay na pagsisisi at ‘ihandog na parang batang toro ang kanilang labi.’ (Ose. 14:2; Heb. 13:15) Magagalak sila kasama ng mga nalabi ng espirituwal na mga anak ni Israel sa katuparan ng pangako ng Kaharian sa Oseas 3:5: “Pagkatapos nito ang mga anak ni Israel ay manunumbalik at hahanapin si Jehova na kanilang Diyos, at si David na kanilang hari; at sila’y magsisilapit nang may panginginig kay Jehova at sa kaniyang kabutihan sa huling bahagi ng mga kaarawan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share