Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Lahat ay Mabubuhay Kung Saan Umaagos ang Ilog”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • 3. Bakit hindi iniisip ng mga Judio noon na literal ang ilog sa pangitain ni Ezekiel?

      3 Siguradong hindi iniisip ng mga Judio noon na literal ang ilog na ito. Sa halip, malamang na ipinaalaala nito sa kanila ang isa pang hula tungkol sa pagbabalik, na isinulat ni propeta Joel mahigit dalawang siglo bago ang panahon ni Ezekiel. (Basahin ang Joel 3:18.) Nang mabasa ng mga Judiong tapon ang isinulat ni Joel, hindi nila inisip na literal na “tutulo mula sa mga bundok ang matamis na alak,” na “aagos ang gatas” sa mga burol, o na “isang bukal ang aagos mula sa bahay ni Jehova.” Kaya malamang na hindi rin nila inisip na ang pangitain ni propeta Ezekiel ay tungkol sa isang literal na ilog.a Kung gayon, anong mensahe ang gustong itawid ni Jehova? Makakatulong ang Kasulatan para maunawaan ang ilang espesipikong bahagi ng paglalarawang ito. Pero sa kabuoan, may makukuha tayong tatlong malinaw at nakakaantig na katiyakan mula sa hula.

  • 19A Mga Ilog ng Pagpapala Mula kay Jehova
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • JOEL 3:18 Binabanggit sa hulang ito ang isang bukal na umaagos mula sa santuwaryo ng templo. Dinidiligan nito ang tuyot na “Lambak ng mga Punong Akasya.” Kaya parehong nakakita sina Joel at Ezekiel ng isang ilog na bumuhay sa isang patay na lugar. Sa dalawang hula, ang ilog ay nagmula sa bahay, o templo, ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share