Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinakikilos ng “Mariringal na mga Bagay ng Diyos”
    Ang Bantayan—2002 | Agosto 1
    • Napakilos!

      4. Anong hula ni Joel ang natupad noong araw ng Pentecostes 33 C.E.?

      4 Palibhasa’y natanggap ang banal na espiritu, ang mga alagad sa Jerusalem ay hindi nag-aksaya ng panahon sa pagbabahagi ng mabuting balita ng kaligtasan sa iba, na sinimulan nila sa pulutong na nagkatipon nang umagang iyon. Tinupad ng kanilang pangangaral ang isang kapansin-pansing hula, na iniulat ni Joel na anak ni Petuel, walong siglo na noon ang nakalilipas: “Ibubuhos ko ang aking espiritu sa bawat uri ng laman, at ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae ay tiyak na manghuhula. Kung tungkol sa inyong matatandang lalaki, mananaginip sila ng mga panaginip. Kung tungkol sa inyong mga kabataang lalaki, makakakita sila ng mga pangitain. At maging sa mga alilang lalaki at sa mga alilang babae sa mga araw na iyon ay ibubuhos ko ang aking espiritu . . . bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.”​—Joel 1:1; 2:28, 29, 31; Gawa 2:17, 18, 20.

      5. Sa anong diwa nanghula ang unang-siglong mga Kristiyano? (Tingnan ang talababa.)

      5 Nangahulugan ba ito na magbabangon ang Diyos ng isang buong salinlahi ng mga propeta, kapuwa lalaki at babae, na katulad nina David, Joel, at Debora, at gagamitin sila upang ihula ang mga mangyayari sa hinaharap? Hindi. Ang Kristiyanong ‘mga anak na lalaki at mga anak na babae, mga alilang lalaki at mga alilang babae’ ay manghuhula sa diwa na uudyukan sila ng espiritu ni Jehova na ipahayag ang “mariringal na mga bagay” na ginawa at gagawin pa ni Jehova. Kaya sila ay maglilingkod bilang mga tagapagsalita ng Kataas-taasan.a Subalit paano tumugon ang pulutong?​—Hebreo 1:1, 2.

  • Pinakikilos ng “Mariringal na mga Bagay ng Diyos”
    Ang Bantayan—2002 | Agosto 1
    • a Nang atasan ni Jehova sina Moises at Aaron upang makipag-usap kay Paraon alang-alang sa kaniyang bayan, sinabi Niya kay Moises: “Ginawa kitang Diyos kay Paraon, at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.” (Exodo 7:1) Si Aaron ay naglingkod bilang isang propeta, hindi sa pamamagitan ng panghuhula ng mga mangyayari sa hinaharap, kundi sa pamamagitan ng pagiging tagapagsalita ni Moises.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share