Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Kamatayan ng Isang Bansa
    Ang Bantayan—1989 | Abril 1
    • Matakot kay Jehova, hindi sa mga mananalansang. Ang pagkapuksa ng Israel ay maaaring pangyarihin ng isang kuyog ng mga balang o ng isang lubusang-sumusupok na apoy. Si Amos ay nagsumamo sa Diyos alang-alang sa Israel, at ‘ikinalungkot ni Jehova’ ang kaniyang paghatol, kaya’t iyon ay hindi ginanap sa ganitong paraan. Gayunman, tulad ng isang karpintero na sa pamamagitan ng isang pabatong tingga ay inaalam niya kung tuwid ang isang dingding, si Jehova ay ‘hindi na papayag na magdahilan’ ang Israel. (Amos 7:1-8) Ang bansa ay kailangan nang igiba. Palibhasa’y ginalit ng ibinigay ng propeta na mensahe, si Amazias, isang saserdote ng pagsamba sa guya, ay may kasinungalingang nagparatang kay Amos ng pagtataksil sa kaniyang bayan at ito’y binigyan niya ng utos na ‘tumakas sa lupain ng Juda at huwag nang manghula pa’ sa Bethel. (Amos 7:12, 13) Si Amos ba ay nanlupaypay sa takot? Hindi! Buong tapang na inihula niya ang kamatayan ni Amazias at ang sasapit na kasakunaan sa kaniyang sambahayan. Kung paanong ang bungangkahoy ay pinangunguha kung panahon ng tag-ani, ganoon din na panahon na para si Jehova ay makipagtuos sa Israel. Ito’y hindi na makatatakas.​—Amos 7:1–8:14.

  • Ang Kamatayan ng Isang Bansa
    Ang Bantayan—1989 | Abril 1
    • ○ 7:1​—“Ang mga gapas para sa hari” ay malamang na tumutukoy sa buwis o bayad na hinihingi ng hari upang matustusan ng pagkain ang kaniyang mga hayop at mga mangangabayo. Ang buwis sa hari ay kailangan munang bayaran, at pagkatapos ay maaaring kunin ng mga tao ang “gapas,” o pananim, para sa kanilang sariling gamit. Subalit bago nila magawa iyon, dumagsa na ang mga balang at kinain ang huling tanim na ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share