Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni Jehova
    Ang Bantayan—2003 | Marso 15
    • 7. Ano ang mga kalagayan nang maglingkod si Jonas kay Jehova sa Israel, at paanong ang pagkaalam dito ay nakaaapekto sa iyong pangmalas sa kaniya?

      7 Ang totoo ay tapat na nagpagal si Jonas sa Israel, isang napakatigas na teritoryo. Inilarawan ni propeta Amos, na halos kapanahon ni Jonas, ang mga Israelita noong panahong iyon bilang mga taong materyalistiko at mahilig sa kaluguran.b Maraming masasamang bagay ang nagaganap noon sa lupain, ngunit lubusan itong ipinagwawalang-bahala ng mga Israelita. (Amos 3:13-15; 4:4; 6:4-6) Gayunman, araw-araw ay buong-katapatang isinagawa ni Jonas ang kaniyang atas na mangaral sa kanila. Kung ikaw ay isang tagapaghayag ng mabuting balita, alam mo kung gaano kahirap makipag-usap sa mga taong kontento na sa sarili at walang interes. Kung gayon, bagaman kinikilala natin ang mga kahinaan ni Jonas, huwag nating kaliligtaan ang kaniyang mga katangian ng katapatan at pagbabata habang nangangaral siya sa walang-pananampalatayang mga Israelita.

  • Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni Jehova
    Ang Bantayan—2003 | Marso 15
    • b Dahil sa ilang malalaking pananakop at pagkakasauli ng dating teritoryo at sa tributo na malamang na nakolekta bilang resulta nito, maliwanag na malaki ang ginampanan ni Jeroboam II sa lalong pagyaman ng hilagang kaharian.​—2 Samuel 8:6; 2 Hari 14:23-28; 2 Cronica 8:3, 4; Amos 6:2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share