-
Aklat ng Bibliya Bilang 31—Obadias“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
5. (a) Ano ang ebidensiya na ang ulat ni Obadias ay tunay at totoo? (b) Papaano natugunan ni Obadias ang mga kahilingan para sa isang tunay na propeta, at bakit angkop ang pangalan niya?
5 Natupad ang hula ni Obadias laban sa Edom—lahat-lahat! Sa pagtatapos, sinasabi ng hula: “Ang sambahayan ni Esau ay [magiging] gaya ng dayami; sila’y susunugin at susupukin. Walang makakaligtas; pagkat si Jehova mismo ang nagsalita.” (Tal. 18) Ang Edom ay nabuhay sa tabak at namatay sa tabak, walang naiwang bakas ang mga inapo niya. Kaya ang ulat ay napatunayang tunay at totoo. Taglay ni Obadias ang lahat ng kredensiyal ng isang tunay na propeta: Nagsalita siya sa pangalan ni Jehova, ang hula niya’y nagparangal kay Jehova, at nagkatotoo ito gaya ng pinatutunayan ng kasaysayan. Ang pangalan niya’y angkop na nangangahulugang “Lingkod ni Jehova.”
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 31—Obadias“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
12 Ayon kay Josephus, noong ikalawang siglo B.C.E., ang natitirang mga Edomita ay sinakop ng Judiong hari na si John Hyrcanus I, pinilit silang magpatuli, at unti-unti silang napahalo sa mga Judio sa ilalim ng isang Judiong gobernador. Pagkatapos ng pagwasak ng mga Romano sa Jerusalem noong 70 C.E., ang pangalan nila ay nabura na sa kasaysayan.c Katulad yaon ng inihula ni Obadias: “Ikaw ay mahihiwalay magpakailanman. . . . Walang makakaligtas sa sambahayan ni Esau.”—Obad. 10, 18.
-