-
Kinasihang mga Babala na may Epekto sa IyoAng Bantayan—1989 | Abril 15
-
-
Walang sinumang makaiiwas sa hatol ni Jehova. Ang hula ni Obadias, na sinalita humigit-kumulang 607 B.C.E., ay tungkol sa pagpapatalsik sa mga Edomita sa kanilang lupain sa kabila ng kanilang waring matatag na katayuan sa itaas “sa gitna ng mga bituin.” At bagaman ang personal na buhay ng sumulat nito sa Bibliya ay hindi isinisiwalat, siya’y namumuhay ayon sa kahulugan ng kaniyang pangalan, “Lingkod ni Jehova.” Sa paano? Sa pamamagitan ng pagbabalita ng isang pumipinsalang hatol. Sa pagbagsak ng Edom, siya ay lubusang wawaldasin ng mga kaibigan na may pakikipagtipan sa kaniya. Maging ang kaniyang mga pantas at mga makapangyarihan ay hindi maliligtas.—tal 1-9.
-
-
Kinasihang mga Babala na may Epekto sa IyoAng Bantayan—1989 | Abril 15
-
-
○ Obadias tal 7—Sa mga panahong tinutukoy sa Bibliya, “ang pagkain” na kasalo ng sinuman ay halos isang pakikipagtipan ng pagkakaibigan. Tumbalik! Ang mga Babiloniko, “mga lalaking may pakikipagtipan” sa mga Edomita, ay naging kanilang mga tagapuksa. Totoo, ang mga Babiloniko noong kaarawan ni Nabukodonosor ay pumayag na makihati ang Edom sa mga samsam na nakuha sa Juda pagkatapos na igiba ang Jerusalem. Subalit ang nahuling haring Babiloniko na si Nabonido ay naging manunupil minsan at magpakailanman ng mga ambisyong komersiyal at pangkalakal ng Edom.
-