-
Kinasihang mga Babala na may Epekto sa IyoAng Bantayan—1989 | Abril 15
-
-
Ang Diyos ay nagdadala ng kapahamakan sa mga gumagawa ng karahasan laban sa kaniyang bayan. Ano ba ang dahilan at napahamak ang mga Edomita? Ang paulit-ulit na paggawa ng karahasan laban sa mga anak ni Jacob, ang kanilang mga kapatid. Bilang mga inapo ni Esau, ang mga Edomita ay kamag-anak ng mga Israelita. Gayunman, sila’y binintangan na nagnanakaw sa kanilang mga kamag-anak, anupa’t ikinatutuwa pa nila ang pagbagsak ng Jerusalem, at ang sukdulan nito, kanila pang ibinigay sa kaaway ang mga nangakaligtas. Sa gayon, ang Edom ang gumawa ng kaniyang sariling ikapapahamak.—tal 10-16.
-
-
Kinasihang mga Babala na may Epekto sa IyoAng Bantayan—1989 | Abril 15
-
-
○ Talatang 10—Ang Edom ay hinatulan na “lipulin magpakailanman” dahilan sa kaniyang pagkapoot at kawalan ng likas na pagmamahal sa kaniyang kapatid na bansa, “ang mga anak ng Juda.” (Talatang 12) Ang ganiyang pagkaparam ng isang bansa ay nangangahulugan na ang isang estadong Edomita na may pamahalaan at mga mamamayan sa isang espesipikong teokratikong lugar ay tuluyang mawawala sa balat ng lupa. Sa ngayon, walang nakikilalang bayan ng pambansang lahi ng mga Edomita; sila’y “naging para bagang hindi kailanman nangabuhay.”—Talatang 16.
-