-
Natuto Siya sa Kaniyang mga PagkakamaliTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
12. (a) Bakit hindi natin dapat husgahan agad si Jonas sa pagtulog niya habang humahagupit ang bagyo? (Tingnan din ang talababa.) (b) Paano ibinunyag ni Jehova ang sanhi ng problema?
12 Dahil wala naman siyang maitutulong, pumunta si Jonas sa ibabang palapag ng barko at nakahanap ng dakong mahihigan. Doon, nakatulog siya nang mahimbing.b Nakita ng kapitan si Jonas, ginising siya, at sinabihang manalangin sa kaniyang diyos, gaya ng ginagawa ng iba. Dahil kumbinsido ang mga marinero na may kababalaghan sa bagyong ito, nagpalabunutan sila para malaman kung sino sa mga naroroon ang sanhi ng kanilang problema. Tiyak na kinakabahan si Jonas habang isa-isang naaalis sa palabunutan ang mga naroroon. Di-nagtagal, lumabas ang katotohanan. Minamaniobra ni Jehova ang bagyo, pati na ang palabunutan, para ituro ang isang tao—si Jonas!—Basahin ang Jonas 1:5-7.
-
-
Natuto Siya sa Kaniyang mga PagkakamaliTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
b Ipinakikita ng Septuagint kung gaano kahimbing ang tulog ni Jonas nang banggitin nito na humihilik siya. Pero sa halip na isiping ang pagtulog ni Jonas ay tanda ng kawalang-malasakit, alalahanin na kung minsan, gustung-gustong matulog ng mga nanlulumo. Sa panahon ng matinding paghihirap ni Jesus sa hardin ng Getsemani, sina Pedro, Santiago, at Juan ay “umiidlip dahil sa pamimighati.”—Luc. 22:45.
-