Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Natuto Siya sa Kaniyang mga Pagkakamali
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 18, 19. Ano ang nangyari kay Jonas sa kalaliman ng dagat, anong uri ng nilalang ang naroon, at sino ang nasa likod ng mga pangyayaring ito? (Tingnan din ang talababa.)

      18 Pero teka! May gumagalaw sa di-kalayuan​—isang bagay na buháy at pagkalaki-laki. Papalapit ito sa kaniya. Bumuka ang napakalaking bunganga nito at nilulon siya!

      Lumubog si Jonas sa dagat at isang malaking isda ang  umaaligid sa kaniya

      “Itinalaga ni Jehova ang isang malaking isda upang lulunin si Jonas”

      19 Ito na yata ang katapusan ni Jonas. Pero takang-taka si Jonas​—buháy pa siya! Hindi siya nagkadurug-durog at nakahihinga pa rin siya. Oo, buháy siya, bagaman inakala niyang ito na ang magiging libingan niya. Unti-unti, nalipos ng pagkamangha si Jonas. Tiyak na ang kaniyang Diyos, si Jehova, ang ‘nagtalaga sa isang malaking isda upang lulunin si Jonas.’c​—Jon. 1:17.

      20. Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jonas sa kaniyang panalangin sa loob ng malaking isda?

      20 Lumipas ang mga minuto at mga oras. Doon, sa pusikit na kadiliman na noon lang naranasan ni Jonas, nakapag-isip-isip siya at nanalangin sa Diyos na Jehova. Ang kaniyang panalangin, na isinulat nang buo sa ikalawang kabanata ng Jonas, ay nagsisiwalat ng maraming bagay tungkol sa kaniya. Ipinakikita nito na malawak ang kaalaman ni Jonas sa Kasulatan dahil madalas nitong sipiin ang Mga Awit. Ipinakikita rin nito ang isang nakaaantig na katangian: ang pagiging mapagpasalamat. Sinabi ni Jonas bilang pagtatapos: “Kung tungkol sa akin, sa pamamagitan ng tinig ng pasasalamat ay maghahain ako sa iyo. Kung ano ang aking ipinanata ay tutuparin ko. Ang kaligtasan ay kay Jehova.”​—Jon. 2:9.

      21. Ano ang natutuhan ni Jonas tungkol sa kaligtasan, at anong mahalagang aral ang makabubuting tandaan natin?

      21 Doon, sa ilalim ng lubhang kakatwang kalagayan​—sa “mga panloob na bahagi ng isda”—​natutuhan ni Jonas na kayang iligtas ni Jehova ang sinuman, saanmang dako at anumang oras. Kahit doon, nakita at nailigtas ni Jehova ang kaniyang lingkod na nasa kagipitan. (Jon. 1:17) Si Jehova lang ang may kakayahang ingatang buháy ang isang tao nang tatlong araw at tatlong gabi sa loob ng tiyan ng malaking isda. Makabubuting tandaan na si Jehova “ang Diyos na sa kaniyang kamay ay naroon ang iyong hininga.” (Dan. 5:23) Utang natin sa kaniya ang bawat paghinga natin, ang atin mismong pag-iral. Tinatanaw ba natin itong utang na loob? Kung gayon, hindi ba dapat lang na maging masunurin tayo kay Jehova?

      22, 23. (a) Paano nasubok ang pagiging mapagpasalamat ni Jonas? (b) Ano ang matututuhan natin kay Jonas may kaugnayan sa ating mga pagkakamali?

      22 Kumusta naman si Jonas? Natuto ba siyang maging mapagpasalamat kay Jehova sa pamamagitan ng pagsunod? Oo naman. Pagkatapos ng tatlong araw at tatlong gabi, dinala ng isda si Jonas sa baybayin at “iniluwa nito si Jonas sa tuyong lupa.” (Jon. 2:10) Akalain mo​—ni hindi kinailangan ni Jonas na lumangoy hanggang sa tabing-dagat! Siyempre pa, kailangan pa rin niyang hanapin ang pupuntahan niya mula sa dalampasigang iyon, saan man iyon. Pero di-nagtagal, nasubok kung talaga bang mapagpasalamat si Jonas. Ang Jonas 3:1, 2, ay nagsasabi: “At dumating kay Jonas ang salita ni Jehova sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi: ‘Bumangon ka, pumaroon ka sa Nineve na dakilang lunsod, at ihayag mo sa kaniya ang kapahayagan na sinasalita ko sa iyo.’” Ano kaya ang gagawin ni Jonas?

  • Natuto Siya sa Kaniyang mga Pagkakamali
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • c Ang salitang Hebreo para sa “isda” ay isinasalin sa wikang Griego bilang “dambuhalang hayop-dagat,” o “malaking isda.” Bagaman hindi natin matitiyak kung anong uri ng nilalang sa dagat ang tinutukoy, kapansin-pansin na may malalaking pating sa Mediteraneo na kayang lumulon ng isang buong tao. May mas malalaking pating sa ibang lugar; ang butanding ay maaaring umabot sa haba na 15 metro​—o baka higit pa!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share