-
Natuto Siya sa Kaniyang mga PagkakamaliAng Bantayan—2009 | Enero 1
-
-
Pero teka! May isang bagay na gumagalaw sa di-kalayuan—isang anino ng dambuhalang nilalang. Matulin itong lumalapit sa kaniya. Bumuka ang napakalaking bunganga nito at nilulon siya!
Ito na yata ang katapusan ni Jonas. Pero isang kataka-takang bagay ang nangyari sa kaniya. Buháy pa rin siya! Hindi siya nabalian ni natunaw man, at nakakahinga pa rin siya. Oo, buháy siya, bagaman ito na sana ang magiging libingan niya. Unti-unti, nalipos ng paghanga si Jonas. Walang alinlangan, ang kaniyang Diyos, si Jehova, ang ‘nagtalaga sa isang malaking isda upang lulunin si Jonas.’c—Jonas 1:17.
Lumipas ang ilang minuto at mga oras. Sa napakadilim na dakong iyon na noon lamang napuntahan ni Jonas, nakapag-isip-isip siya at nanalangin sa Diyos na Jehova. Maraming isinisiwalat ang kaniyang panalangin, na nakaulat nang buo sa ikalawang kabanata ng Jonas. Ipinapakita nito na malawak ang kaalaman ni Jonas sa Kasulatan dahil madalas sipiin ng aklat ng Jonas ang Mga Awit. Ipinapakita rin dito ang isang nakaaantig na katangian: ang pagiging mapagpasalamat. Ganito ang sinabi ni Jonas: “Kung tungkol sa akin, sa pamamagitan ng tinig ng pasasalamat ay maghahain ako sa iyo. Kung ano ang aking ipinanata ay tutuparin ko. Ang kaligtasan ay kay Jehova.”—Jonas 2:9.
Natutuhan ni Jonas na kayang iligtas ni Jehova ang sinuman, saanman, anumang oras. Maging doon sa “mga panloob na bahagi ng isda,” iniligtas ni Jehova ang kaniyang lingkod na nasa kagipitan. (Jonas 1:17) Tanging si Jehova ang makapagliligtas at makapag-iingat sa isang tao nang tatlong araw at tatlong gabi sa loob ng tiyan ng malaking isda. Makabubuti para sa atin na alalahanin ngayon na si Jehova “ang Diyos na sa kaniyang kamay ay naroon ang iyong hininga.” (Daniel 5:23) Utang natin sa kaniya ang ating buhay, ang mismong pag-iral natin. Ipinagpapasalamat ba natin ito? Kung gayon, hindi ba dapat na maging masunurin tayo bilang pagtanaw ng utang na loob kay Jehova?
Kumusta naman si Jonas? Natuto ba siyang magpakita ng kaniyang pasasalamat kay Jehova sa pamamagitan ng pagsunod? Oo naman. Pagkatapos ng tatlong araw at tatlong gabi, dinala ng isda si Jonas sa pampang at “iniluwa nito si Jonas sa tuyong lupa.” (Jonas 2:10) Isip-isipin—pagkatapos nang lahat ng ito, hindi na kailangan pang lumangoy ni Jonas papunta sa pampang! Siyempre pa, kailangan pa rin niyang hanapin ang pupuntahan niya mula sa dalampasigang iyon, saan man iyon naroroon. Pero di-nagtagal, nasubok kung talaga bang mapagpasalamat si Jonas. Ganito ang sinabi sa Jonas 3:1, 2: “At dumating kay Jonas ang salita ni Jehova sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi: ‘Bumangon ka, pumaroon ka sa Nineve na dakilang lunsod, at ihayag mo sa kaniya ang kapahayagan na sinasalita ko sa iyo.’” Ano ang ginawa ni Jonas?
-
-
Natuto Siya sa Kaniyang mga PagkakamaliAng Bantayan—2009 | Enero 1
-
-
c Sa wikang Griego, ang salitang Hebreo para sa “isda” ay isinalin na “dambuhalang hayop-dagat,” o “malaking isda.” Bagaman hindi natin lubusang matitiyak kung anong uri ng nilalang sa dagat ang tinutukoy, kapansin-pansin na may malalaking pating sa Mediteraneo na kayang lumulon ng isang tao nang buo. May mas malalaking pating pa sa ibang lugar; ang butanding ay maaaring umabot ng 15 metro ang haba—o baka nga higit pa!
-
-
Natuto Siya sa Kaniyang mga PagkakamaliAng Bantayan—2009 | Enero 1
-
-
Kahit hindi gumawa ng himala ang Diyos, may kamangha-manghang mga bagay na nangyayari paminsan-minsan. Halimbawa, sinasabi na noong 1758, isang magdaragat na nakasakay sa kaniyang barko ang nahulog sa Dagat Mediteraneo at nilulon ng isang pating. Pero pinaputukan ng kanyon ang pating. Nang tamaan ito, iniluwa nito ang magdaragat, na nailigtas nang halos walang galos. Kung totoo man ito, maaari nating sabihing kahanga-hanga ang kuwentong ito o kamangha-mangha pa nga—pero hindi isang himala. Hindi ba kayang gamitin ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan para gawin ang higit pa kaysa rito?
Iginigiit din ng mga mapag-alinlangan na walang tao ang maaaring mabuhay sa loob ng isda nang tatlong araw nang hindi kinakapos sa paghinga. Pero mapamaraan na ang mga tao dahil nagawa nilang punuin ang mga tangke ng hanging may malakas na presyon at gamitin ito para makahinga sila nang mas matagal sa ilalim ng tubig. Hindi ba kayang gamitin ng Diyos ang kaniyang nakahihigit at walang-hanggang kapangyarihan at karunungan para panatilihing buháy si Jonas at nakakahinga sa tiyan ng isda sa loob ng tatlong araw? Gaya ng sinabi ng isang anghel ni Jehova kay Maria, ang ina ni Jesus, “sa Diyos ay walang kapahayagan ang imposible.”—Lucas 1:37.
-