Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 32—Jonas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 4. Anong uri ng isda ang nakalunok kay Jonas? Gayunman, anong impormasyon ang sapat na sa atin?

      4 Kumusta ang “malaking isda” na lumunok kay Jonas? Marami ang pala-palagay tungkol sa kung anong isda ito. Kayang-kaya ng sperm whale (balyena) na lunukin nang buo ang tao. Ganoon din ang great white shark (pating). Ngunit sinasabi lamang ng Bibliya: “Inutusan ni Jehova ang isang malaking isda na lunukin si Jonas.” (Jonas 1:17) Hindi tinukoy kung ano yaon. Hindi tiyak kung yao’y sperm whale, great white shark, o iba pang di-kilalang nilikha sa dagat.a Sapat na ang ulat ng Bibliya na yaon ay “malaking isda.”

  • Aklat ng Bibliya Bilang 32—Jonas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 6. Ano ang karanasan ni Jonas kaugnay ng “malaking isda”?

      6 Nilunok ng “malaking isda” (1:17–​2:10). “Inutusan ni Jehova ang isang malaking isda na lunukin si Jonas, kaya tatlong araw at tatlong gabi siya sa loob ng isda.” (1:17) Doo’y taimtim siyang nanalangin kay Jehova. “Mula sa tiyan ng Sheol” ay humingi siya ng tulong at sinabing tutuparin niya ang kaniyang panata, sapagkat “ang kaligtasan ay mula kay Jehova.” (2:2, 9) Sa utos ni Jehova, si Jonas ay isinuka ng isda sa tuyong lupa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share