-
Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni JehovaAng Bantayan—2003 | Marso 15
-
-
5. Anong atas ang ibinigay kay Jonas, at paano siya tumugon?
5 Si Jonas ay naglingkod bilang propeta sa hilagang kaharian ng Israel noong panahon ni Haring Jeroboam II, na anak ni Jehoas. (2 Hari 14:23-25) Isang araw, inutusan ni Jehova si Jonas na umalis sa Israel at magtungo sa Nineve, ang kabisera ng makapangyarihang Imperyo ng Asirya. Ano ang kaniyang atas? Babalaan ang mga mamamayan nito na ang kanilang dakilang lunsod ay wawasakin. (Jonas 1:1, 2) Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, tumakas si Jonas! Sumakay siya sa isang barko na patungong Tarsis, na napakalayo sa Nineve.—Jonas 1:3.
-
-
Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni JehovaAng Bantayan—2003 | Marso 15
-
-
9. Nang manganib ang mga marinero dahil sa malakas na unos, anong mga katangian ang ipinamalas ni Jonas?
9 Palibhasa’y bantulot sa pagsunod sa utos ni Jehova, sumakay si Jonas sa isang barko na nagdala sa kaniya nang palayo nang palayo sa kaniyang atas. Gayunman, hindi nawalan ng tiwala si Jehova sa kaniyang propeta ni nagsaayos man Siya na palitan ito ng iba. Sa halip, kumilos si Jehova upang tulungan si Jonas na matanto kung gaano kaselan ang kaniyang atas.Nagpasapit ang Diyos ng isang malakas na unos sa dagat. Ang barko na sinasakyan ni Jonas ay siniklut-siklot ng mga alon. Mamamatay na sana noon ang walang-salang mga tao, dahil lamang kay Jonas! (Jonas 1:4) Paano kaya tutugon si Jonas? Palibhasa’y ayaw niyang mamatay ang mga magdaragat na nakasakay sa barko dahil lamang sa kaniya, sinabi ni Jonas sa kanila: “Buhatin ninyo ako at ihagis ninyo ako sa dagat, at ang dagat ay papayapa para sa inyo.” (Jonas 1:12) Nang sa wakas ay ihagis ng mga marinero sa dagat si Jonas, wala siyang dahilan upang mag-isip na ililigtas siya ni Jehova mula roon. (Jonas 1:15) Gayunman, handang mamatay si Jonas upang hindi masawi ang mga magdaragat. Hindi ba natin namamalas dito ang mga katangiang gaya ng lakas ng loob, kapakumbabaan, at pag-ibig?
-