Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Gumuhong Kaharian na Nagdulot ng Pagkapahiya sa mga Kritiko ng Bibliya
    Ang Bantayan—1993 | Hunyo 1
    • ANG mananalaysay na Griego na si Diodorus Siculus ay nabuhay noong may 2,000 taon na ngayon ang nakalipas. Ayon sa kaniya, ang Nineve ay isang lunsod na may apat na tabi; ang apat na tabi ay may kabuuang haba na 480 estadio. Iyan ay pabilog na may lawak na 96 kilometro! Ang Bibliya ay nagbibigay ng nahahawig na larawan, sinasabing ang Nineve ay isang dakilang lunsod “na may tatlong araw na lalakarin upang marating.”​—Jonas 3:3.

      Ang mga kritiko ng Bibliya noong ika-19 na siglo ay ayaw maniwalang ang isang di-kilalang lunsod ng sinaunang sanlibutan ay maging gayong kalaki. Kanila ring sinasabi na kung sakaling umiral nga ang Nineve, tiyak na iyon ay bahagi ng isang sinaunang kabihasnan na nauna sa Babilonya.

  • Isang Gumuhong Kaharian na Nagdulot ng Pagkapahiya sa mga Kritiko ng Bibliya
    Ang Bantayan—1993 | Hunyo 1
    • Samantala, isa pang arkeologo, si Austen Henry Layard, ang nagsimulang maghukay sa mga kaguhuan sa isang lugar na tinawag na Nimrud mga 42 kilometro sa timog-kanluran ng Khorsabad. Iyon ay napatunayan na mga kaguhuan ng Calah​—isa sa apat na lunsod ng Asiria na binanggit sa Genesis 10:11. At, noong 1849, nakahukay si Layard ng mga kaguhuan ng isang malaking palasyo sa isang lugar na tinatawag na Kuyunjik, sa pagitan ng Calah at ng Khorsabad. Napatunayan na ang palasyo ay bahagi ng Nineve. Sa pagitan ng Khorsabad at ng Calah ay matatagpuan ang kaguhuan ng iba pang mga pamayanan, kasali na ang isang bunduk-bundukang tinatawag na Karamles. “Kung kukunin natin ang apat na malalaking punso ng Nimrúd [Calah], Koyunjik [Nineve], Khorsabad, at Karamles, bilang mga sulok ng isang parisukat,” sabi ni Layard, “masusumpungan na ang apat na tabi ay katumbas ng 480 estadio o 60 milya ng heograpo, katumbas ng tatlong araw na paglalakbay ng propeta [si Jonas].”

      Maliwanag, kung gayon, na isinali ni Jonas ang lahat ng pamayanang ito bilang isang “dakilang lunsod,” tinatawag sila sa pangalan ng lunsod na unang binanggit sa Genesis 10:11, samakatuwid nga, ang Nineve. Ganiyan din ang ginagawa sa ngayon. Halimbawa, may pagkakaiba sa pagitan ng orihinal na lunsod ng London at ng mga karatig-lugar nito, na siyang bumubuo ng kung minsa’y tinatawag na “Greater London (Kalakhang London).”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share