-
Natuto Siyang Maging MaawainAng Bantayan—2009 | Abril 1
-
-
Natakot din sa Diyos ang hari. Tumindig siya mula sa kaniyang trono, naghubad ng kaniyang opisyal na kasuutan, nagdamit ng magaspang na tela na gaya ng suot ng kaniyang bayan, at ‘umupo pa nga sa abo.’ Kasama ng kaniyang “mga dakila,” o mga maharlika, ipinag-utos niya na mag-ayuno ang lahat at magsuot sila ng telang-sako, pati na ang mga alagang hayop.c Mapagpakumbaba niyang inamin na ang kaniyang bayan ay naging masama at marahas. Umaasa rin siyang maaawa ang tunay na Diyos kapag nakita silang nagsisisi, na nagsasabi: ‘Talikuran sana ng Diyos ang kaniyang nag-aapoy na galit, upang hindi tayo malipol.’—Jonas 3:6-9.
-
-
Natuto Siyang Maging MaawainAng Bantayan—2009 | Abril 1
-
-
c Waring imposible ang ulat na ito, ngunit nangyari na rin ang ganito noon. Sinabi ng Griegong istoryador na si Herodotus na namighati ang sinaunang mga Persiano sa pagkamatay ng isang kilala at minamahal na heneral anupat isinama pati ang kanilang mga alagang hayop sa pagdadalamhati.
-