-
Natuto Siyang Maging MaawainAng Bantayan—2009 | Abril 1
-
-
Sinabi ng Diyos kay Jonas na nanghinayang ang propeta na namatay ang halamang tumubo sa magdamag, samantalang hindi naman ito itinanim o pinatubo ni Jonas. Saka sinabi ng Diyos: “Sa ganang akin, hindi ba ako dapat manghinayang sa Nineve na dakilang lunsod, kung saan may mahigit sa isang daan at dalawampung libong tao na hindi man lamang nakakakilala ng pagkakaiba ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, bukod pa sa maraming alagang hayop?”—Jonas 4:10, 11.d
Nakikita mo ba ang mahalagang aral na itinuro ni Jehova? Walang ginawa si Jonas para alagaan ang halamang iyon, samantalang si Jehova ang Bukal ng buhay ng mga Ninevita at ang naglalaan para sa kanila gaya ng ginagawa niya sa lahat ng nilalang sa lupa. Mas pinahalagahan pa ni Jonas ang isang halaman kaysa sa buhay ng 120,000 tao, bukod pa sa kanilang mga hayupan. Hindi kaya dahil sa iniisip lamang ni Jonas ang kaniyang sarili? Kung sa bagay, nanghinayang lamang siya sa halaman kasi nakikinabang siya rito. Hindi ba’t ang galit niya may kaugnayan sa Nineve ay dahil sa iniisip lamang niya ang sasabihin sa kaniya ng iba—gusto niyang patunayang tama siya, at ayaw niyang mapahiya?
Isa ngang napakahalagang aral! Pero natuto ba si Jonas mula sa kaniyang karanasan? Ang aklat ng Jonas ay nagtatapos sa isang tanong mula kay Jehova. Maaaring sinasabi ng ilang kritiko na hindi kailanman sumagot si Jonas. Pero ang totoo, malinaw ang sagot—ang aklat mismo. Ipinakikita ng katibayan na si Jonas ang sumulat ng aklat na iyon. Isip-isipin ang propetang iyon na nakauwi na sa kaniyang bayan at isinusulat ang kaniyang karanasan. Mailalarawan natin ang isang lalaking mas matanda, mas matalino, mas mapagpakumbaba na iiling-iling habang isinusulat ang kaniya mismong mga pagkakamali, pagsuway, at pagtangging magpakita ng awa. Maliwanag, natuto si Jonas sa matalinong instruksiyon mula kay Jehova. Natuto siyang maging maawain. Tayo rin kaya?
-
-
Natuto Siyang Maging MaawainAng Bantayan—2009 | Abril 1
-
-
d Nang sabihin ng Diyos na hindi nalalaman ng mga taong iyon ang kanilang kanan sa kanilang kaliwa, ito’y nangangahulugan na hindi nila alam ang mga pamantayan ng Diyos.
-